Wednesday, December 30, 2009

Goodbye 2009, Hello 2010!

Ilang hours nalang! 2010 na, nakaka-excite! Ang DAMI-DAMI ko nang pinagdaanan ngayon 2009, ikaw rin naman diba? May mga moments na gusto mong kalimutan, sirain at sunugin pero meron din namang mga pangyayaring ayaw na ayaw mong matigil at mawala. Mamimiss ko ang 2009! Pero brand new start itong 2010. Sa mga kasalanan natin at mga problemang hindi pa naaayos, tapusin na at ayusin. Sana, maging masma-ayos ang 2010.
Sana rin walang masyadong problema. PERO...ang problema, NEVER yan mawawala. BUT lahat ng problema ay masosolve, kahit gaano kahirap man yan, andito pa rin si Bro para tulungan tayo at hinding-hindi niya tayo bibitawan. :)

Naaalala ko nanaman yung memories, biglang nagfaflashback sa utak ko. Yung 'Dibrochos Hos Polemios", Hamadryads cheer natin, yung CV cheesy YM stats natin, yung pag-stay sa school dahil sa Chorale nating CV, mamimiss ko lahat 'to. Yung pagtakbo-takbo ko sa buong 2nd floor para sa mga paperworks.:)) Pero syempre, 2010! bagong tawanan moments at bagong happiness. :DDD

Ngayon, magthathankyou ako sa mga taong nagpasaya sa buhay ko ng buong taong 'to. Yung mga nagbago ng buhay ko for the better. ^^,

GOD-Bro! Ikaw ang rason kung bakit ganito ang buhay ko at sobrang thankful ako dito. Ang ganda-ganda ng buhay ko dahil Sa'yo. Kahit na may mga problema, alam kong nandyan ka kaya ko nasosolve lahat ng problema ko sa buhay. THANKYOU.:)

FAMILY-Mama, Papa, Kuya Gelo, Kuya Paeng, Michael. Salamat sa tawanan at pagmamahal, sa mga kapatid ko, salamat sa mga pang-aasar at sa pag-iinsulto. Dahil kasi dito, lalo akong lumakas at hindi na nagpapa-apekto. ;))

ZDN-Mahal ko kayong lahat. Nakakamiss din kayo eh noh? :)) BASTA, SUMMER VACATION, reunion tayo. :)

2ND YEAR-Sobrang salamat sa lahat ng tulong niyo sakin. Para naman sa inyo lahat ng ginagawa ko. At thankyou sa pag-appreciate, salamat sa pag-'thank-you' sakin kapag may ginagawa ako para sa inyo. Ayun, kahit may mga problema ako, kayo pa ang lalapit at tutulong, magvovolunteer pa kayo. Sobrang laking tulong yun. Salamat talaga. MAHAL KO KAYO. :P

LAHAT NG CV-Salamat sa pagpapasaya ng mukha ko. :)) Dahil sa inyo, sobrang masaya ako araw-araw. Salamat sa pagtulong, sa tawanan, SA LAHAT-LAHAT NA. :)
CV! Migo, Ronron, JC, Alesandro, Elia, Jernille, Francis, JP, Mark, Edward, Louis, Rayjohn, Royce, Alyssa, Audrey, Steffi, Sam, Pam, Ira, Jann, Bea, Justine, Issa, Jasmine, Sarah, Moira, Roxette, Yoshiko. ^^,

Fatimong at Pattipong-Hindi ko pa rin makalimutan yung letter nung absent ako. Ni-reply-an niyo pa. Hanggang ngayon, nakatago pa rin sa akin yun. Hay, salamat ng sobra-sobra! Salamat sa advices, sa tulong, sobrang laking THANKYOU at nakilala ko rin kayo. Wala na akong masabi, ang hirap i-explain kasi sobrang laking tulong kayo sa buhay ko. Para ko na kayong kapatid! Wala na akong masabi.:) SALAMAT. :D

James at L-Nung umiyak ako, andyan kaagad kayo nung time na yun handang tumulong. Hinding-hindi ko makakalimutan yung nakaupo tayong tatlo. Yung advices niyo, sobrang nakatulong. Thankful ako kay Lord na nakilala ko kayo. Hindi niyo alam kung gaano kalaki yung tinulong niyo sa mga problema ko. Lalo na akong naliwanagan sa mga pangyayaring yun, SALAMAT. SOBRA. Ngayon, "stand-up" na ako. Kakayanin ko na. Dahil sa inyo, lalo ako naging malakas. Salamat sa tawanan at saya. James, salamat sa James Hetfield moments! Yung dare-dare natin. At hindi pa yun tapos! Hahaha! Salamat sa mga patawa. L, yung puno smile mo, bentang-benta! pagpasok ulit ha! L! --THANKYOU JAMES at L. :D

NikkiBog, Pat, Vianca- Salamat sa tawanan moments natin lalo na kapag Lunch. Sobrang saya yung mga kulitan sa ilalim ng bridge. Lagi tayong tambay doon. Naaalala ko pa yung Siopao sauce mo Vianca, sumasabog nalang palagi. 2 beses pa yun ah.:)) SALAMAT SA TAWANAN. 2010! lapit na pasukan, kainan na ulit! Hahaha! Bog! HAPPY BIRTHDAYYY! ^^,

Trish- Thankyou sa mga laughtrip natin. 2010 na, kwentuhan pa rin ha! "First love never dies." AYEEEE! Thankyou Trisheeyyy! Salamat din sa mga advice at paliwanag sa mga nangyayari-yari. Salamat at naging kaibigan kita

Angelee- Ayeee! Special mention. Thankyou sa palaging pagcocompliment ng blog. :) Salamat salamat, binabasa mo talaga yung mga sinusulat ko. Tapos YM kwentuhan. Salamaaaaaat sobra, nakakaappreciate. :D ^^, Ito yung special mention. Baka mamaya, akala mo yung.. :"> Hehe joke.:))

JC- Hi JC! XD Salamat sa lahat ng kwento sa school tsaka sa YM. Sobrang salamat din sa advices mo. Idol kita! Yehey! Hahahaha! Thankyou sa lahat ng laughtrip, sa tawanan, sa lahat! Haha! Thanks JCEYYY :D

Joel-YO BOOOM! Closefriend! Hahaha! Salamat sa lahat-lahat! Mga laughtrip at kung anu-anong kalokohan nating dalawa! APIR! Haha! Thankyou Boom at nakilala kita, salamat sa pagiging bestfriend ko. Salamat Boooom! :D

THANKYOU 2009! Halos 7 hours nalang, 2010 na!
Mamimiss ko 'tong 2009. HAPPY NEW YEAR, 2010! :D

Saturday, December 26, 2009

The magical blog of love. :)

This blog is a Continuation, a Sequel, PART 2! ^^,

Hahaha! Ok. Wala kasi akong magawa habang naghihintay sa pag-alis namin ngayon, kaya ito, nagdecide na muna akong gumawa ng Part 2 nung blogs ko noon. Yung kay Florante at Laura pati na rin yung Destiny. 

Ang pag-ibig ay nasa tamang oras. Hindi dapat ito minamadali. Pero marami akong naririnig na mahirap pigilin ang puso na magmahal. Kahit alam mong masyado pang maaga, meron pa rin dyan sa puso mo na iba. Sabi nila, sobra-sobrang iba yung feeling. PERO kung "True Love" naman yan, makakapaghintay yan diba. Ayun nga sinasabi ko, kahit 20 years, 30 years, 50 years! Kung mahal ka niya, hihintayin ka niya. Pero bihira nalang ata yan ngayon eh. Mga 1 out of 10 lang ang narinig ko na nagkwento sa akin ng ganyan. 

Dahilan daw ng hindi paghintay?

NAPAGOD, nahirapan, nagsawa at nakakita na ng iba. 
Diba?

Isa lang naman ang ibigsabihin nyan, hindi "siya" ang TRUE LOVE mo. Hindi siya yung tunay na Destiny mo. Kung hindi niya kaya maghintay sayo, may iba pa para sayo. Hindi "siya" ang para sayo. Dahil sa pagtagal, may MAS pa para sayo. Lahat naman ng tao may destiny sa buhay. Nasa tamang oras lang siya at dapat hintayin. Dadating din yan at dapat hindi hanapin. :D 

PERO kung hihintayin ka niya at umaapaw na ang pagmamahal niya sayo AT MAHAL MO RIN SIYA...True love's here to stay. :>

AYEEEE! Hahaha! :))

Opinion ko lang 'to ha. Opinion lang.:P
Ang seryoso nung blog.:( :))

'Till the next blog. ;)

"No matter what I have to do, I'll wait for you. I'll be waiting."
-Elliott Yamin

Unlucky :'( -Part 2

AYAN. :(( Ipapadoktor na ako mamaya. Dahilan pala ng sinat at pagsusuka-> na-food poison na daw pala ako. :( Ang sakit ng sikmura ko. Gusto ko nanaman sumuka. :| HAAAAAY BUHAY. Malas talaga Christmas ko. Tapos wala na talaga akong gana kumain. :(

Belated Merry Christmas! Lapit na New Year. HAPPY NEW YEAR! :)

Friday, December 25, 2009

Unlucky. :'(

Nakakaasar :(( Ang malas-malas ng Christmas ko. Kagabi kasi natulog muna ako sandali ng mga 7 ng gabi. Ginising nila ako ng 8 pm para kumain na daw ng dinner. Pagkagising ko, ang sakit na ng tyan ko tapos hilong-hilo na ako. Bumaba ako sa kainan. After 20 minutes, nawalan na ako ng gana kumain tapos sobrang hilo, umakyat ako. Hindi ko na rin natapos yung pagkain ko. Ayan, nagsuka na ako. 2 beses pa.:( Hindi na rin ako makatulog ng maayos kasi ang sama ng pakiramdam ko. 

Tapos ngayon, sabog na sabog na talaga ako. Nagsuka nanaman ako after kumain ng lunch. HILONG-HILO. Ang malas ko talaga ngayong Christmas. Sana naman maging okay na ulit. Ang hirap kapag may sakit eh. :(( Gustong-gusto ko nang umiyak. :(

Thursday, December 24, 2009

25: Merry Christmas! :)

Merrrrrrrrrrry Christmas! :) Happy Birthday Jesus! ^^,

Kahapon, umalis kami ng bahay nang 4 pm to Ortigas para dalawin Lolo namin, ayun usap-usap tapos dumeretso na kami sa Lola namin-kapitbahay lang: Ortigas din. Eh dahil sa sobrang daming gamit nila sa bahay kasi nag-aayos at nag-iimpake, donate para sa mga probinsya, AS IN wala kaming madaanan. Lahat ng mga kahon, laruan, pagkain, nakaharang. :)) Ang hirap dumaan kaya sabi ni Lola magsimba na daw muna kami. Mga 5 minutes away lang yung venue ng simba. 7:30 nagstart yung mass. Sabi ni Father, ang pagbabago ay nagsisimula sa puso-'clean heart.' Tapos si Jesus, siya yung rason ng masayang Christmas na'to at Sila ang nagbibigay ng blessings sa buhay natin at Sila ang buhay natin. KAYA kailangan nating magpasalamat araw-araw sa kanila. :) 

Ok, after ng mass, pumunta na kami kay Lola. Marami pa ring gamit, grabe.:)) Pero pwede na dumaan. Hahaha, ayun doon na kami nag-Noche Buena. Grabe, bochog time talaga to: Turkey, Pancit, Chicken wings, GRRR. XD Hahaha, grabe, lagay pa ng lagay ng pagkain Lola ko, punong-puno na yung plato ko.=)) Ayun, after, nagpahinga kami sa garden tapos nag-tea. :> :)) TAPOS yehey nilaro ko yung mga aso, andami, lima, ang liliit tapos ang cute. After 1 hour, umatake na yung allergy ko, bongga. :| Grabe, sakit na ng ilong ko & yung mata ko namumula na.:)) 

Ayun, at 12:05 am ata, ayun. nagbabye na kami kay Lola. :) MERRY CHRISTMAAS! :P
1 hour and 30 minutes ang driving time papunta sa bahay. Dumating na kami ng 1:30 sa bahay. Nagulat ako kasi hindi ko naman alam na kagabi na kaagad yun, akala ko sa new year pa namin gagawin. Ayun, andaming pagkain nasa styro. Umalis na kami tapos hanap-hanap ng mga tao.:) Ang sarap ng feeling, sobrang iba kapag binibigay mo tapos nagthathankyou sila atsaka yung smile talaga nila, ibang-iba. Pati ikaw mapapasmile talaga. :) Ayun 3:30 na kami nakauwi. 

Waaaaah! Merryyyyy Christmaaaas! ^^,
CV, miss ko na kayo-Merry Christmas! :D

-Goodmorning nga pala! :)

Wednesday, December 23, 2009

Merry Christmas!

9:10 AM
Goodmorning! HALOS 15 HOURS NALANG, CHRISTMAS NAAAAAA! Yehey! Grabe, nakakaexcite talaga. Pagkain..:)) Hahaha, dakilang patay gutom! \m/ Christmas nga, wala naman si Papa. :(( Argggg, lagi nalang ganyan. Nakakalungkot kaya. Di buo pamilya mo, Christmas na. :( 

Tsaka nga pala, hindi kami nagbubukas ng gifts sa Christmas, promise. Maghihintay pa kami ng January 1 ng morning. Hindi pa kami nagbubukas ng mga regalo ng Christmas. Sabi daw para masaya yung New year. Kaso medyo nakakainip, kasi nasa ilalim na ng Christmas tree tapos Christmas na, wala lang, di pa namin bubuksan. NAKAKAEXCITE GRABE! =))

Kagabi, tapos na yung Simbang Gabi sa Seton. Nagresponsorial psalm pa ako bigla, kabado. :)) Andaming tinuro ni Father, ang galing. Tapos hinintay ko si Ate Frances sa Prayers of the Faithful niya tapos sabay na kami pumunta doon sa kabilang upuan. Kasama sila Fatima..:) Tapos yung iba dyan ang lakas manglait. Christmas na Christmas nanglalait at nangaasar pa. Hay naku.:))

Ayun. GRABE EXCITED PA RIN. ^^, Ahahaha! Magboblog ako ulit mamaya. 

MERRY CHRISTMAAAAAS! 14 hours and 40 minutes to go! :)

Tuesday, December 22, 2009

Wake up in the morning feeling like P. Diddy! \m/

..Grab my glasses, I'm out the door. I'M GONNA HIT THIS CITY! hahaha! Tiktooook. :))

GOODMOOORNING! :)
Watta watta watta watta watta! 9: 25 AM na, pagdating ng 10 AM, alis na kami. Pupunta daw sa bank tapos SM. Hahaha! Grabe, ang aga eh. Okay lang, for Christmas gift purposes daw. ^^, Ayun. Wala akong panaginip kagabi. Bakit ganun. Hahahaha! Pero masaya naman kagabi. Nakapag-simbang gabi ulit! WOOOHOOOO! Merry Christmas! Ilang araw nalaaaang! Kakaexcite noh? :)) IIklian ko muna tong blog ko. Kailangan ko pang mag-ayos ayos. :D

Monday, December 21, 2009

Hanggang kailan pa?

Ikaw? Naranasan mo na bang maghintay ng SOBRA-SOBRANG tagal para sa isang bagay o tao? 

Nakakaasar, nakakairita, nakakakulo ng dugo at masakit sa ulo diba? Lalo na kapag importante yun sayo at wala man lang akong nakuha, walang dumating. Ngayon, galit na galit na galit at sobrang kumukulo na yung dugo ko. Palibasa kasi, ganyan ka talaga eh, BORN TO BE na ganyan na yan. Bakit ka ba ganyan? Alam mo bang nakakapagod yun? Eh kung gawin ko rin kaya yan para maramdaman mo? Naku grabe. Nanginginig na kamay ko sa galit. Simula nung naging magkaibigan ata tayo, ganyan ka na talaga. Hindi ko lang pinapansin. Ngayon, ang hirap-hirap na palampasin. 

Gusto ko lang talaga maglabas ng sama ng loob dito sa blog. Konting nawala yung mabigat na pakiramdam. :(

YEHEY MORNING!

3 DAYS to go, Christmas na! Nakakaexcite talaga kapag Christmas. Lalo na yung kainan..:)) Haha! MERRY CHRISTMAAAS! :D Mamayang gabi, party ng office nila Mama. KAINAN, bochog time. XD Hahaha, 4 pm aalis na kami sa bahay. Grabe, ngayon palang, magluluto na si Mama ng kung ano-ano. =P~ hahaha. 

Gusto ko ulit magsimbang gabi. Nung sinabi ko 'to kay Mama kagabi, sabi niya sige ba, kasi ang lapit lapit lang ng office sa school, Abel Nosce st. din. WOOHOOO! :)) tatakas muna kami sa party tapos babalik nalang.:P 

*CV, miss ko na kayoooo! ^^,
*Advance happy birthday Michael. BLEH. =))
*Nikki din! :):)

MERRY CHRISTMAS! :) 

Sunday, December 20, 2009

Goodevening. ^^

Goodevening ulit. ;)

WHAT A DAY! adventure. Hahaha! Umalis kami ng bahay ng 3 pm. Text text ulit, JP! apir! XD Dumeretso na kami sa Festival. Binilhan ako ng bagong shoes tsaka shirt! Thankyou MAMAAAAA! :P Maagang pa-christmas gift daw. Ayun, tapos mga 5, pumunta na kami sa Shopwise, nag-grocery kasi kami para sa Christmas Party ng Office ng parents ko bukas. Tapos maya-maya nagtext si Kian. Ayan text text ulit. At biglang nagmukhang baliw sa loob ng grocery. :| Hahaha! (Astig talaga Globe. Buti nalang nagbago na ako ng Sim. Mas-sulit pa tsaka hindi nasasayang load ko. ^^,) Mga 6:30 ata, sobrang nagmamadali na kami ni Mama na mag-grocery kasi sobra-sobra kong gusto mag-Simbang Gabi sa school. :) Ayun, nalate kami. :( Pero atleast, 10 mins. late lang & hindi pa nagsisimula ang Gospel. :D Tapos lumingon ako, nakita ko si Louis tsaka si Kian. Tapos smileee. Hahahaha! Sabi ng pari, JOY. lagi daw dapat maging masaya. J:Jesus; O-Others; Y-You. :) Lingon ako ulit, yung iba naman dyaaaan..:)) Hahahaha! Peace be with you, smile.:) Tapos nagbabye na rin kay Kian tsaka Louis. 

Pag-uwi dito sa bahay, gutom na ako. Kumain ako ng DUUUUUMPLING. :D Sarap grabe. XD Ito, ngayon, inaantok na rin ako. Goodnight goodnight na!

AT NGA PALA, 2nd year, salamat sa lahat ng pumunta ng Simbang Gabi kanina. :) Thankyoooou.:D

GOODNIGHT! Magboblog ulit ako bukas ng umaga. :)

I ♥ D.A.

Halos isang buwan ko na 'tong stat sa YM. Ang saya-saya. Ok blogblogblog tungkol kay David Archuleta. Unang-una palang nung American Idol, nakita ko na siya sa Auditions. tapos ako, WOW grabe ang galing niya kumanta at sobrang humble. :) Ayun, tapos sinubaybayan ko talaga siya every episode ng Idol. Lagi nalang nasustuck yung mga kanta niya sa utak ko, paulit-ulit parang sirang plaka-IN A GOOOOOD WAY. hahahaha! 

-short blog lang. share. :P 

"Only me, only you and the band. Trying to reach out to you touch my hand."
-David Archuleta.

Crawl back to love.

GOODMORNING! :)

DREAMS.
Kagabi, BOOOOM! what a dream. Hindi aakalain ng isang taong maging panaginip. Masayang-masaya. Yun nga lang, parang hindi naman magiging totoo sa sobrang 'PERFECT.' Ang ganda, DREAM talaga. Hindi siya pwede maging Reality. :P Sana mapanaginipan ko ulit. Hahaha! Secret nalang. Ikaw, isipin mo nalang best dream mo na alam mong hindi pwede maging reality-ganun yung feeling. :)

Currently addicted to Crawl-Chris Brown. :D Sisihin ang magaling kong kapatid, ayan-naadik tuloy ako. Sabi nga sakin ni Jessam Binolac, "the song makes perfect sense." Diba? Hi Sam! :P 

May isa pa akong story! Florante at Laura time! 

"DESTINY"
Ayan, tinanong ko si Mama. Totoo ba talaga yun? Sabi niya, sa dinami-dami ng problema, pagsubok at gulo na pumasok sa buhay ng dalawang tao, matatag pa rin sila. Kung kayo daw ang itinadhana para sa isa't isa, kahit gaano katagal. Mapaabot pa ng 20 years o 10, kayo talaga. DESTINED TO BE WITH EACH OTHER. Kwinento niya pa yung love story nila ni Papa. Kitang-kita ang destiny. -MAMA

Parang sa Florante at Laura, ang destiny mo, ang true love mo: kahit na anong pagsubok ang dumating-sa huli, sila parin. Kung kayo ang itinadhana, kayo. :) Ayan, kahit na maghintay pa raw ng 20 years, between those years, nandoon pa rin ang mahal mo para sayo. Hindi ka niya iiwan at hinding-hindi siya mapapagod sa kakahintay sayo. YES! ang deep! :)) Malapit na 25th anniversary nila Mama. Dedicated to them. YEEHEEEE! XD 


GOODEVENING. :)

Yehey, officially, Globe user na ako. Yehey ang dami-dami ko nang katext. Samantalang noon, nung Smart pa ako: As in nauubos kaagad load ko. XD Hahaha. Ayun. Elia, JP, Kian. Salamaaaat! Ang saya-saya. :P 

May nabasa akong story, SHARE! :)
|
|
V
Bakit daw ganun ang buhay? Bakit daw ang pagmamahalan ngayon simpleng ligawan nalang sa text, tapos yung babae, magpapahulog na kaagad. Hindi man lang hard-to-get. Ito namang mga lalaki daw, wala nang effort sa pagliligaw. Hanggang text nalang ang kinakaya..wala nang harana-harana. Masyado na ngayon noh? Dahil daw sa technology, oo nga, bumibilis at dumadali ang mga bagay-bagay pero MAS-ANGAT pa rin ang Disadvantages. Ayan isa na raw yan sa example ng disadvantages. 

-galing din nga pala kay Sir Martin to. Hay agree! AT ANG LOVE, nasa tamang panahon yan. Dapat hindi daw tayo nagmamadali. Kapag matured na at masmatanda, ayan na ang oras sa pagmamahalan. AGREE DIBA?!

"ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY NAKAKAPAGHINTAY." -Florante at Laura.
 
'di ba Florante? \m/
-------------------

Ayun, goodnight goodnight. YEHEY SIMBANG GABI TOMORROW NIGHT! SOPHOMORES, SPONSORS TAYO. :) 

'Till the next blog. ;)


Monday, December 14, 2009

Shall we dance?

Shall we dance? :) Thursday na! Christmas party and dance. Sobra-sobra pang daming preparations. O.O hahaha! Dibale, kaya yan. Wala pa akong susuotin sa Christmas Party ng CV. Grabe, hollywood theme? Hirap! Pero masayang-masaya. Baka mag HERMIONE nalang ako ulit. PARA TIPID.:> hahahaha! :)) Filipino and Science naman QT-2nd day! 

WAAHHH! :))

4:00 ng umaga ngayoooooooon. 2 weeks na akong ganito gumising tapos hindi na rin ako makatulog ulit. >.<>

"Ang tunay na pagmamahal ay nakakapaghintay." -Florante at Laura
PAANO RAW KAPAG NAPAGOD SA KAHIHINTAY? :))
EDI HINDI YAN TRUE LOVE. :p =))

Saturday, December 12, 2009

Bagong blog! \:D/

Dinelete ko na LAHAAAAT ng 2008 blogs ko. :) BAGO NA! ok. game.

12:00 nn.
Naghihintay pa maluto yung food. Ang tagal, gutom na ako. :)) Hay, ngayon lang nagkainternet simula kaninang umaga. Sobrang nagpapanic na ako kasi 'di ko mabigay yung Summary kay Audrey.:| buti nalang, biglang nagkaroon. THANKYOU LOOOORD. :D Quarterly exams na natin bukas! Goodluck satin lahat! English, CCF, Computer. \m/ Wooohoooo!

12: 14 pm.
Still waiting for the food. :)) Wala pa akong malabas na emotions ngayon. Kung galit na galit siguro ako, magtatype ako ng sobra-sobrang bongga. YEHEY! dadating na Mama ko bukas. nakakamiss na talaga. 2 months na. :( Simula kaya nung umalis si Mama, late na ako sa pagbayad, hindi na ako on time sa pag-pasa ng Reply Slips. Muntik pa akong 'di makapunta sa FieldTrip. :( BUTI NALANG NAAYOS KAAGAD. :D 

"I want you to know, with everything I won't let this go." -Sum 41.