Kahapon, umalis kami ng bahay nang 4 pm to Ortigas para dalawin Lolo namin, ayun usap-usap tapos dumeretso na kami sa Lola namin-kapitbahay lang: Ortigas din. Eh dahil sa sobrang daming gamit nila sa bahay kasi nag-aayos at nag-iimpake, donate para sa mga probinsya, AS IN wala kaming madaanan. Lahat ng mga kahon, laruan, pagkain, nakaharang. :)) Ang hirap dumaan kaya sabi ni Lola magsimba na daw muna kami. Mga 5 minutes away lang yung venue ng simba. 7:30 nagstart yung mass. Sabi ni Father, ang pagbabago ay nagsisimula sa puso-'clean heart.' Tapos si Jesus, siya yung rason ng masayang Christmas na'to at Sila ang nagbibigay ng blessings sa buhay natin at Sila ang buhay natin. KAYA kailangan nating magpasalamat araw-araw sa kanila. :)
Ok, after ng mass, pumunta na kami kay Lola. Marami pa ring gamit, grabe.:)) Pero pwede na dumaan. Hahaha, ayun doon na kami nag-Noche Buena. Grabe, bochog time talaga to: Turkey, Pancit, Chicken wings, GRRR. XD Hahaha, grabe, lagay pa ng lagay ng pagkain Lola ko, punong-puno na yung plato ko.=)) Ayun, after, nagpahinga kami sa garden tapos nag-tea. :> :)) TAPOS yehey nilaro ko yung mga aso, andami, lima, ang liliit tapos ang cute. After 1 hour, umatake na yung allergy ko, bongga. :| Grabe, sakit na ng ilong ko & yung mata ko namumula na.:))
Ayun, at 12:05 am ata, ayun. nagbabye na kami kay Lola. :) MERRY CHRISTMAAS! :P
1 hour and 30 minutes ang driving time papunta sa bahay. Dumating na kami ng 1:30 sa bahay. Nagulat ako kasi hindi ko naman alam na kagabi na kaagad yun, akala ko sa new year pa namin gagawin. Ayun, andaming pagkain nasa styro. Umalis na kami tapos hanap-hanap ng mga tao.:) Ang sarap ng feeling, sobrang iba kapag binibigay mo tapos nagthathankyou sila atsaka yung smile talaga nila, ibang-iba. Pati ikaw mapapasmile talaga. :) Ayun 3:30 na kami nakauwi.
Waaaaah! Merryyyyy Christmaaaas! ^^,
CV, miss ko na kayo-Merry Christmas! :D
-Goodmorning nga pala! :)


No comments:
Post a Comment