Nakakaasar, nakakairita, nakakakulo ng dugo at masakit sa ulo diba? Lalo na kapag importante yun sayo at wala man lang akong nakuha, walang dumating. Ngayon, galit na galit na galit at sobrang kumukulo na yung dugo ko. Palibasa kasi, ganyan ka talaga eh, BORN TO BE na ganyan na yan. Bakit ka ba ganyan? Alam mo bang nakakapagod yun? Eh kung gawin ko rin kaya yan para maramdaman mo? Naku grabe. Nanginginig na kamay ko sa galit. Simula nung naging magkaibigan ata tayo, ganyan ka na talaga. Hindi ko lang pinapansin. Ngayon, ang hirap-hirap na palampasin.
Gusto ko lang talaga maglabas ng sama ng loob dito sa blog. Konting nawala yung mabigat na pakiramdam. :(


No comments:
Post a Comment