Friday, June 11, 2010

Pride.

Ahhh..ganun na pala ngayong panahon. Bakit ba kasi ganun? Kung sino pa yung may kasalanan, siya pa yung magagalit. Kung sino pa yung may kasalanan, siya pa yung maiinis. Ayaw mo pang aminin na ikaw mismo yung gumawa ng kasalanan. Lagi ka nalang ganyan eh.

Palibhasa kasi, masyado mong pinapairal yang kagalingan mo sa pride. Ang taas kasi ng pride mo..kasing taas ng Burj Khalifa. Hay nako. Ano na kaya mangyayari. :| :(

Welcome Back Nikki & Belated Happy Bday AJ! :)

This day is one of the best days of my 14 years of life. HAHA. Drama. :-& Lol.:))

SM. June 11, 2010. Welcome back Nikki Francisco and Belated happy birthday AJ Molina. :)

Ok. Nagsimula ang araw nang magising ako ng 6:30 am. Kumain, naligo at nagbihis. Sobrang kinabahan pa ako nung mga oras na yun kasi parang nagbabackout na si Mama..na parang ayaw na ako payagan. Pero ayun, mabuti nalang ok na agad. Dumating si Nikki sa bahay ng mga 10:30. Tapos dumating na kami sa SM at around..11:30. Sorry late! =)) HAHA. Ayun pagdating namin sa SM, dumeretso na kami ni Nikki sa Storyland. Sila Kian, Elia and Joel andun na.

We first ate lunch sa Mcdo kasi sarado pa yung Rides. Haha, tapos dumating na rin si AJ. Yeaaah! She's using the bag I gave her for her birthday! Yehey! >:D<> Hahaha! Si Kuya na may itsura at sumasayaw. Hahaha kilig kilig.:"> Ayun. Tapos nagquantum sandali. ANDAMING TICKETS NI ELIA. Adik. Tapos nag-karaoke. :>

Mga 5:40 na nun, tumawag si Kuya Paeng kasi andyan na raw siya. Ayun, nagbyebye na kami. Yeah! :) Sobrang happy ako kasi FIRST TIME ko mag-mall with friends. Oo parang hindi totoo pero..totoo talaga. First time ko 'to. At sobrang happy ako na sa inyo ko na-experience yun. Thankyou! Happy day before Junior Year starts. See you lahat sa 15th!

AJ Molina, Nikki Francisco, Joel Perez, Kian Gabutan and Elia Gica. Thankyou! >:D<


Monday, June 7, 2010

I love AJ Molina.:)

Hello AJ! :D

It’s June 7, 2010 and it’s Anjellica de Guzman Molina’s day. AJ, Super duper thankyou talaga sa invite mo. :) SOOOBRANG thankful ako naging superfriend kitaaa! Thankyou talaga sa kanina.

Grabe. Sobrang fuuuun! Jejemon Moments =)), Kantahan and Photoshoot. PATI YUNG TRALALALALA HAPPY BIRTHDAY! :)) Aw, pati ba naman yung Piano eh..nako nako.:))

Sobrang happy ako kanina. THANKYOU FOR EVERYTHING.

I love you AJ! Super kaduper love you! Happy Birthday! Sana happy ka.:) I hope you see this.:)

SEE YOU SOON ANJELLICA DE GUZMAN MOLINA! :) ♥

Saturday, June 5, 2010

Lanao del Norte.:)

Kaninang hapon, sumama ako kay Mama, sa office niya. After nun, sinundo namin si Michael sa bahay para pumunta ng SM. Yehey! Kumain kami sa Tempura.:) Ang tagal ko na ring nagcacrave dun ha. =P~ Sarap kasi eh. Tapos ayun, umuwi na kami. Pagkauwi ko, dali-dali akong pumunta sa laptop at binuksan ang Twitter.

riocruz @gabbysantos13 HI CLASSMATE!

Nagulat talaga ako. HAHA! Kasi sabi ni Elia sakin, next week pa raw malalaman yung section niya kaya hindi na ako nagbother na tumawag pa sa school. Ayun grabe talaga! Tapos hinanap ko si Rio sa YM. YES! So inexplain niya. LDN ako. She went to school awhile ago and saw the updated sections.:) Yup, Lanao del Norte ako.

Happy naman ako. Promise. Hindi ko iniisip na baka may mangyaring masama, na baka maging hindi maganda yung section. Marami kasi akong napansin nung June 1 na medyo nahihirapan sa sections nila. Nagkawatak-watak na kasi yung magkakaibigan diba? Masyado na kasi tayong na-attach sa isa't isa nung 2nd year tayo. Eh hindi ko pa nafeel yun noon. Eh ito na yung section ko, nalaman ko na. Kailangan kong tanggapin para maging masaya.:)

Pagsubok lang satin 'to. Maaari ngang hindi na magkakasama yung magkakaibigan pero why not try diba? Lagi namang may pagsubok sa buhay eh. Isa lang 'to doon. Kaya kailangan nating tanggapin. BE HAPPY. Think Positive! Sa mga kabatch ko, ok lang yan. Everything will fall into place. Hindi pa naman nagsastart ang classes eh. Malay natin masaya diba? :)

YEAAAAAAAH. APIR! See you sa June 15.:D

Tuesday, June 1, 2010

Kabado :-S

Grabe. Kanina yung release ng sections para sa ngayong school year. Pupunta sana ako kaso nagka-emergency kaya hindi na ako natuloy. Hindi ko nga alam kung bakit ako dapat pupunta kanina eh wala pa naman ako dun sa sections kasi kaka-enroll ko lang kahapon. Soooo, wala pa yung name ko dun. Haha. Sabog.@.@

Yes. Tapos ngayon, sobrang kinakabahan ako na parang natatakot na parang ewan! Hindi ko alam kung ano yung nafeefeel ko kasi parang ako nalang ata yung hindi alam yung sariling section. Late kasi eh.:)) Kinakabahan ako. Andaming nagsasabi na baka dito ka sa section na 'to kasi ganyan ganun..o hindi kaya, sana dito ka sa (section) na 'to! Lalo tuloy akong kinakabahan kasi nalilito ako.=)) Hay. Kahit saan namang section akong pupunta, tatanggapin ko. Be happy lang. Diba? :)

Doon sa mga taong ayaw yung section nila, matututunan niyo ring mahalin yung section niyo. May mga magkakaibigan kasing nagkawatak-watak kaya maraming nalulungkot. Pero malay natin diba? Baka magustuhan rin natin kapag nasubukan na. Mahirap tanggapin pero kailangan. Nagbabago bago talaga eh.:(

Kinakabahan ako! Hay grabe! Yung puso ko! Lalala! Goodluck Gabby.=))

Tatanggapin, Haharapin at Kakayanin. ;)

Goodnight! Blog blog blog.:)

Thursday, May 27, 2010

Bittersweet moment. :):

Sweet?
YEHEY! Super duper ultra mega happy reunion kami. As in sobra talaga. After 3 years, nagkita-kita na ulit kami lahat! Grade 6 reunion. Si Pinky and Stacey halos 7-8 years ko nang hindi nakikita. HAPPY HAPPY. Nakakalungkot lang na hindi lahat pumunta perooooo SOBRANG SAYA PA RIN! :)

Dumating si Stacey tapos si Pinky then si Cheska. Tapos dumating na ako kasunod si Cae. Sabi ni Kuya doon na magswimming na kami kaysa sa nakatulala lang. Kaya ayun, nagswimming na kami. Grabe! Bumalik lahat nung moments, kulitan, tsaka yung pagkekwentuhan ng memories nung Grade 6. Past is past, diba Angelo? :)) Hahaha! Ayun.

Uy. Irerecommend ko yung NabuaVille kung gusto niyo ng swimming. Maganda yung place. AS IN. Nainlove nga kami lahat doon eh. Sulit naman yung bayad kapag doon eh. TAPOOOOS, @12, nilakad namin from Nabua Ville to Outbox. (take note: ng basang-basa.) Hindi na kami nagpalit. Gutom na eh.=)) Ayun, take out tapos kain sa NabuaVille. Sana maulit ulit yung reunion noh? Sobrang happy. Thankyou sa time sa lahat ng pumunta. Yehes! :D YEHEYYY!

Bitter?
Alis na si Papa mamayang 12 in the midnight. Pupunta na siya ulit ng U.S. halos 6 months na siyang andito pero alam mo yun,,parang ilang weeks lang siyang andito. :( Mamimiss ko si Papa. Pero magkikita rin naman ulit sa December eh. Sana! :( :) See you soon Papa! :)

YES. BITTERSWEET. Pero life goes on. Kahit anong mangyari, be happy pa rin. Ok? :)

Wednesday, May 26, 2010

Reunion.

Hello hello. May reunion kami tomorrow morning. Ohyeah! Atleast, makikita ko na ulit yung classmates ko na hindi ko pa nakikita. Halos 3 years ko na rin silang 'di nagkikita. Wala kasi akong kabatch na nag-aral ng HS sa Seton. Ako lang. Kaya hindi maiwasang mamiss ko na sila ng todo-todo! :))

Sayang nga kasi hindi lahat pupunta eh. Busy yung iba tapos out of the country pa. Pero atleast naman may pupunta diba. Hahaha! Hindi pa ako nag-aayos ng gamit para bukas. UGGGH. Kailangan ko nang mag-ayos tapos kailangan ko nang matulog ngayon, baka hindi naman ako magising bukas. *gabby knocks on wood* HAHA.

Ayun. Goodnight. I miss meeeeee magical classmates before. See you tomorrow! :)

EXCITED. :-bd

Tuesday, May 25, 2010

Multiply!

Oooooh! Hello. At dahil sa super duper ultra mega to the highest level bored ako kanina..nag-decide ako na mag-update ng aking magical Multiply site. GRABE! Bulok na bulok na talaga yung Multiply ko. Ang tagal ko nang hindi nabuksan dahil sa FACEBOOK.@.@ Boom! Pero promise! Hindi ko na kakalimutang i-update 'to. Mahal ko na ang Multiply! :D

Gabbong's very happy today. Dahil kay boredom, may nagawa akong something productive. :-bd

6pm: We went to MOA and had a foot and back massage with Mama and meh..Michael: Sabi niya nakikiliti raw siya habang minamasahe siya.=))

8pm: We went to the "Prestige Lounge." Sobrang astig kasi the place is exclusively for Prestige Card holders onleeehhh! Buti nalang Prestige yung card ni Mama. AT HINDI PA DYAN NATATAPOS ANG MASSAGE..:> At dahil nakakita kami ni Michael ng dalawang massage chairs, >:) AYUN NA. Nagpamassage ulit kami. Happy happy.:))

9pm: Nagutom kami and ate @ Teriyaki Boy. Grabe, sobrang inlove na inlove ako sa Japanese food at dahil yan sa Sake Sashimi. Haha! Grabe, hinding-hindi ako nagsawa sa Japanese food. Can't wait 'til the next eating adventures at Teriyaki Boy! \:D/ :))

Ohyeaaah. Goodnight! Taekwondo training tomorrow.:)

Saturday, May 8, 2010

Biased.

Bago ako magsimula dito, sasabihin ko lang na opinion ko 'to. Humihingi ako ng paumanhin sa maaasar sa sinasabi ko tungkol kay Noynoy Aquino. Gusto ko lang naman ilabas yung sama ng loob ko dito sa blog ko.

Ok. Nung umuwi kami ng mga 10:00, nagmadali kaming buksan yung TV para makita yung updates tungkol sa botohan. Pagkakita ko, si Noynoy Aquino na ang leading. GALING. Ang sa akin lang, ano bang meron kay Noynoy at naisipan niyong i-shade yung bilog na katabi ng pangalan niya? Hindi ko lang talaga ma-gets eh. Kung nakita niyo yung news coverage ng ABS-CBN tungkol kay Noynoy, MADAYANG MADAYA EH. Masyado nilang pinagtatanggol yang lalaking yan. Napakadaya. Saksakan ng, ubod ng, hari ng daya. Pinakita pa nila yung simula sa umpisa hanggang sa last part ng voting process ni Noynoy. Masyadong pinapasikat eh. Habang bumoboto siya, makikita mo palang sa gestures ni Noynoy na hindi siya tunay na presidente. WALANG ka-etiquette-etiquette. Magpupunas ng pawis, walang manners. Magshashade nalang, tatawa-tawa pa mag-isa. Masmatino pa yung mga normal na tao kesa sa kanya eh.

Sumosobra na. Hay nako. Nakakaasar lang kasi masyado nang nabubulag yung tao sa pinaggagagawa niya. Ginagamit kasi ni Noynoy yung magulang niya. HINDI PORKET MAAYOS ANG MAGULANG NIYA, PATI SIYA..MAGALING NA. Dapat makita 'to ng tao. Wala nga siyang plataporma eh. Sira ang plataporma niya. Kung makita lang ng tao yun. Kaso nabulag na sila kasi nga, anak siya ng Aquino. Hala sige. Kung siya nga man ang magiging Presidente ng bansa natin..GOODLUCK nalang. Paano mamumuno ang isang taong baliw? Baliw siya, mismong si Archbishop na ang nagsabi. Kapag siya pa ang nanalo, gagamitin lang siya. Gagawin siyang puppet at magpapaloko lang siya. Kaya nga siya ang kinampihan ng mga kamag-anak niya kaysa kay Gibo Teodoro para mabilis lang siyang magamit. Hindi kasi nila magagawang gamitin si Gibo dahil sa talino niya. HINDI SIYA MAGPAPALOKO.

Buti nalang 50 percent palang ngayong gabi yung pinapakitang mga boto. Sana naman magbago at umayos yung ranking para gumanda bansa natin.

Paumanhin sa mga naiinis pero opinyon ko po ito at nilalabas ko lang yung saloobin ko at galit tungkol sa Elections.

GOOOOODNIGHT! Magboblog ako ulit tomorrow.

Wednesday, April 28, 2010

Can you feel the heat?!

Grabe men! Can you feel it? Todo-todo na talaga to noh? Nakita ko kanina, RECORD BREAKING yung temp. natin: 38.5 tayo! Konting galaw mo lang, pawis ka na kaagad. Umalis ka lang sa harap ng electric fan, TOOOOT! wala na. Parang hihimatayin ka na. Kaya masaya kapag nasa kwarto ka lang palagi na may aircon. Noh? :))

Kaya lately, lagi na akong sumasama sa work ni Mama kapag free ako at walang Taekwondo classes. Kaya kapag nasa kotse, OHYES! Sobrang saya kasi ang lamig sa kotse. Kapag nasa office and field si Mama, sarap din. Lamig talaga grabe.:> TAPOS, wala akong ginawa sa kotse kung hindi matulog lang at kumain. KUMAIN NANG KUMAIN! \m/ goal ko nga this summer, 200 pounds. Bwahahaha! >:)

Gusto ko na nga rin palang pumasok. :( Sobrang namimiss ko na lahat-lahat sa school & friends. Haaaay. Ok lang, halos isang buwan nalang, BACK TO SCHOOL NA! \m/

P.S. Sana mag-snow sa Pilipinas!


Monday, April 26, 2010

Braces. :)

Magicaaaaaaaal braces! :D

Sabi nila Mama, balak na nila akong palagyan ng braces THIS SUMMER. :-S Grabehan. Para sa akin, ok lang yun! Excited pa nga ako eh. Kaso nga lang, nagsisimula na akong mag-Taekwondo. Nakakatakot kasi baka mamaya, kakalagay lang ng braces ko..malay mo bigla matamaan yung mukha ko at sana 'wag namang mangyari! *knocks on wood* GRABE. Gusto ko na nga mag-braces para mawala na 'tong gitnang gap sa ipin ko.:D Hahaha! Kinakabahan lang ako baka mamaya kung anong mangyari. Ok naman yung natanungan na dental clinic suggested by a friend. (Hi Mariam!) GRABE TALAGA! Excited ako na kinakabahan. Tapos ayokong pumayat! Kailangan kong kumain kahit masakit nang naka-braces. Hahaha! BOCHOG pa rin.

Kailan kaya ako magbabraces talaga? :-?

Monday, April 19, 2010

This is it

Ito na! To the highest level excited na ako! Nung last two weeks kasi, kumakain kami ng family ko sa Batangas. Tapos bigla nalang pumasok yung topic na 'to sa usapan. TOPIC: Taekwondo. Pinag-usapan namin tapos yung memories. Nung mga 11 years old kasi ako, nagtaekwondo classes kami, naabot namin yung high red. Eh bigla kaming nagstop dahil sa isang accident. Nung tournament kasi ni Kuya Paeng, nag-turning side kick siya tapos yung kalaban niya, nag-45 lang. Pagka-ikot ni Kuya Paeng, saktong tinamaan siya ng 45 sa bibig. Naaksidente siya, tapos dinala sa ospital. Pero ok na syempre si Kuya Paeng ngayon, 2-3 years ago pa naman yun. Feeling ko, yun yung reason kung bakit kami pinatigil ng parents namin mag-taekwondo.:(

Pero ayun, sabi nila Papa, magtaekwondo nalang daw ako ulit. Sayang naman daw kung hindi ko itutuloy diba? Kaya SOBRA SOBRA na akong excited. AS INNNNN! This is it. Sa Wednesday na ako magsastart. Bale, Wednesday and Saturday ako. \m/ Magtatake rin ako ng classes sa Monday para ma-condition ako ulit. Kasi medyo matagal na rin ako bago bumalik dito sa sessions.

AAAAAT, buti nalang! Hindi ko kailangang bumalik ng Beginner sessions kasi parehas yung Association ng pinuntahan ko noon tsaka sa ngayon.:) Sobrang excited na talaga ako.

Can't waaaaaait! :DDDD

Saturday, April 17, 2010

Wish wish wish.:)

April 17, 2009. Once again, a super duper ultra mega happy day.:)
HAPPY BIRTHDAY MARIA EUNICE CHARINA DAVID ESTOLATAN! Sobrang salamat sa pag-invite! Sobrang saya ko.:)

Ok. Mga 4:00, dumating na ako sa venue ng kainan, sa Shakey's, sa may harap ng Perpetual. Ako yung unang dumating, naghintay ako ng mga 5 minutes..si Jasmine dumating na. Tapos sunod sunod na yun. Napagtripan namin mag-FUUUUUUUUN ZONEEEEE. Aliw talaga kasi first time ko palang pumunta sa branch ng Shakey's na yun. :))

Grabe! Kaninang umaga, nahulog yung pilikmata ko sa pisngi ko. Eh naalala ko na may kasabihan na dapat kunin mo, mag-wish ka, tapos i-blow mo. Edi nag wish nga ako. Yung wish kong yun, naisip ko lang bigla tsaka hindi ko na inexpect na mangyari yun kasi ang imposible. Nagtry lang ako magwish kasi yun yung unang pumasok sa utak ko. TAPOS AYUUUUUN! *BOOM!* Nagulat ako! Nangyari bigla dun sa party! Sinabi nalang sakin bigla..edi syempre kinabahan ako. Parang sabog talaga! Yung feeling na natutuwa ako, na masaya ako, na kinakabahan tapos parang ayaw ko rin. KASI NGA HINDI KO ALAM! Wala namang nagsabi sakin. Nung dumating lang ako dun, tsaka lang sinabi. Tugsh. Ayun na. Pero ayos lang naman. SOBRANG HAPPY AKO NA NANGYARI YUN. Atleast, ok na ok na lahat.:)
YEAAAHHHH! Happy birthday ulit Eunice! Thanksthanks! :D

--Off to Batangas tomorrow morning ulit! Excited na excited na ako! Can't wait. WAKEBOARDING! \m/
Goodnight. Next blog ulit.;)

Tuesday, April 13, 2010

Wait lang :)

Haaaaaay. Atlast! Back to normal na rin ulit lahat. Akala ko naman kasi parang wala na. Sobrang baba na nga ng hope ko eh. Pero ayun, sabi nga ng iba, THINK POSITIVE! Ayun, ok lang naman pala. Sobrang namiss ko yung usapang ganun. Namiss ko 'to. Akala ko kasi ako nalang 'to, akala ko wala na siyang pakialam. Andyan lang naman pala. Super duper ultra mega uber salamat Lord. Hindi talaga ako bibitaw. Yes! \m/ Kailangan lang naman pala: maghintay. Tapos laging be happy. Wag kaagad negative. Ang nega ko kasi eh, pero ok na. FROM NOW ON, kapag nangyari ulit 'to, yun lang yung iisipin kong rason. BE HAPPY! Think POSITIVEEEE! :)

Monday, April 12, 2010

Keep Holding On

Hello Blogger World. Yes, blog! ^^,

Kahapon, pumunta kami ulit sa Batangaaaaas! Haha! Unexpected nga eh. Plinano lang yung pagpunta sa Batangas-Saturday ng hapon. Saya-saya. Ayon, umalis kami ng maaga kahapon, nakarating sa BAtangas ng mga 12:30 nn. Tas naglagay na kami ng Sunblock. OHYEAH. Mga 1:30 pm, AYUN NA! Wakeboarding timeee! Sobrang saya kasi halos kami lang yung tao dun. Konti lang din yung pumunta kaya sulit na sulit yung pagpunta namin. Happy ako kasi goal ko nang maka-ikot sa buong course nila. YES! Goal met yesterday. Happy! :D

Ngayon? SABOG. Sakit ng katawan ko. Yung leeg ko, yung binti ko tsaka mga braso ko. Whew. Hahaha! Atleast happy ako. Tapos nakalimutan ko yung sadness nung nagwawakeboard ako kaya healthy para sakin.:) Babalik ulit kami ngayong April/May. YES! Can't wait. Goal ko naman, yung nakatayo na. Nakaikot na kasi ako ng naka-knee board kaya ngayooooooon, tayo naman. B-)

Dapat lagi talagang may ginagawa para hindi madepress. Goal: Find activities! Haha! YES. Share lang. Batangas, see you soooooon.\m/

-Goodnight! 'Til the next blog.:)

"I want you to know with everything, I won't let this go." :)

Friday, April 9, 2010

Eto nanaman.:(

Sobrang sakit. Eto nanaman kasi eh, parang naghihintay nanaman ako sa wala. Lagi nalang ganito yung pakiramdam. Andun na kasi yung opportunity tapos *tooogsh!* wala, hindi mo rin grinab, hindi mo inabot. Dun lang ako nasasaktan. Siguro naman alam mo na medyo hindi ako sanay na matagal tayong di nag-uusap. ANDUN NA KASI TALAGA. Tapos parang binalewala mo lang. Halos isang linggo na. Ewan ko pero syempre nahihirapan din ako. Masakit na kasi eh. Hindi ko 'to masabi sayo kasi baka mamaya maasar ka sakin kasi nagsasawa ka na..na lagi akong nalulungkot dahil sayo.

Sorry na. Kung mabasa mo man 'to, sorry na umuulit nanaman ako sa asar ko sayo kasi wala nanamang pansinan. Sorry na nagdadrama nanaman ako.

Kaso hindi ko maiwasan eh. Mahal kita. Ikaw yung pinaka-una..pero nasasaktan ako. Bakit ganun!? Hindi ko maiwasan yung feeling na 'to. Pinipigilan ko talaga! Kasi ayokong maramdaman yung ganito kasi alam mo, nasasaktan lang ako. Ayoko yung nagiging malungkot ako kasi madalas, masaya ako. Hindi ako yung tipo ng tao na nalulungkot na matagal. Natatakot lang ako kasi baka mamaya ngayong summer, bigla kang mag-give up. Dahil di tayo nagkikita ngayong summer, biglang *boooom!* wala na. Give up ka na.

Sana wag. Sana hindi mangyari yun. Parang ang hirap tanggapin. Sana alam mo na namimiss ko na rin yung mga usapan natin. Kung alam mo lang. Haaay.:(

Wednesday, April 7, 2010

Unexpected.

Nagkaroon ako ng UNEXPECTED ADVENTURE! Saya-saya. Grabe.:>

Okay kwento. Kasi ang natira nalang kaninang tanghali dito sa bahay..si Kuya Gelo, Michael at ako. Eh si Kuya Gelo aalis daw. Niyaya niya kaming sumama ni Michael para hindi kami loner sa bahay. Ayun.

Unang pinuntahan namin..sa Munisipyo! Ohyeahhhh! Hahaha! First time kong makarating dun kaya medyo naaliw pa ako. Pumunta kami sa may Affidavit of Loss. Maliit lang yung lugar, parang kwarto. TAPOS SOBRANG INIT pare. Nagpagawa si Kuya para sa nawala niyang card sa Gym. Mamaya-maya, nung ginagawa na yung papers niya..yung matanda doon na parang namamahala ata, biglang tinanggal yung typewriter sa table niya at nilagay sa cabinet..TAPOS naglatag bigla ng white cloth sa table niya. Mamaya-maya oh, nakita namin may babae tsaka lalaking nakaputi na parang lovers. YUN PALA KASAL NA OH.=)) Laughtrip! Kasi sobrang tahimik lang nung lugar tapos mainit pa. Bigla nalang may eksenang ganun.

"Will you take January to be your wife?"
Lalaki: Opo.:)

"Oh ikaw naman January, will you take John Paul to be your husband?"
Babae: Opo.:)

"Take this ring as a sign of my love and loyalty." Parehas nilang sinabi. Saya-saya.:))

Grabehan. Pati ba naman kami..nawitness namin yung ganung kasal na biglaan lang. Ang tahi-tahimik lang namin biglang ganon.XD

Gusto ko lang i-share. Kulit kasi eh.:))
Yeah! Goodnight! Nakapagblog na rin ulit. Blog ulit tomorrow! \m/

Friday, April 2, 2010

The Magical Blog of Love. (Part 4)

Grabe talaga kapag SOBRANG bored ang isang tao, kung ano-ano nalang ang naiisipang gawin. Noh? Ayun. Dahil namiss ko 'tong blog na 'to, binasa ko lahat ulit mula sa simula hanggang sa ngayon. Nakita ko yung Magical Blog of Love ULIT! Ito, nagdecide nanaman akong gumawa ng continuation tungkol sa Love.

PART 4. ♥
"The test of love is not while you're together. It's while you two are apart and despite the distance, the love is still there."

Ayun yun eh oh. Masusukat ang pagmamahalan kapag malayo kayo sa isa't isa pero kahit na ganun man yun, yung love, hindi pa rin nawawala at mawawala. Alam mo yun? Oo, totoong mahirap malayo sa mahal mo. Yung pakiramdam na sobrang sobrang sobrang sakit sa loob..lalo na yung ilang linggo o buwan na kayong hindi nag-uusap. Ang sakit sa puso. Parang winawasak, parang tinatadtad lang ng machine gun eh. Mahirap kasi kapag walang communication, walang usapan at hindi nagkikita.

Sa mga pangyayaring ganito, minsan sasabihin mo pa na gusto mo nang sumuko kasi nasasaktan ka na ng todo-todo. Dahil hindi mo na siya nakikita, susuko ka nalang agad. Ayun lang ba ang rason para sumuko ka kahit na mahal mo pa rin yung taong yun? WALANG SUSUKO.:)

Kaya ikaw, kahit alam mo na medyo mahirap na, lumaban ka pa rin. Kung mahal mo naman yung taong yun, handa kang mag-sakripisyo para sa kanya. Kahit na malayo ka, yung puso niyong dalawa magkasama pa rin. Mahirap kasi kapag susuko ka tapos yung mahal mo, tinitiis lahat ng sakit at patuloy pa ring lumalaban. Mahirap tanggapin kung sa ilang araw, linggo o buwan kayong hindi nagkikita, bigla ka nalang susuko? Sobrang sakit nun sa taong na nagmamahal parin sayo. Dahil lang hindi kayo nagkikita, iiwan mo na siya nang tuluyan kahit alam mo namang magkikita pa kayo ulit? Susuko ka nalang bigla kahit na mahal mo pa rin siya? Kung mahal mo, ipaglalaban mo. Diba?

Tatagan mo yung loob mo. Kung mahal mo, tiisin mo kasi sa dulo kapag parehas niyong na-overcome yan, kayo na talaga para sa isa't-isa.

TANGGAPIN MO, HARAPIN MO AT KAYANIN MO ang lahat para sa mahal mo at para sa inyong dalawa. ♥

Kamusta naman yun?

Alam mo kung ano yung nakaka-BV? Yung sobrang nakakairita?

YUNG BIHIS NA BIHIS KA NA SA PUPUNTAHAN NIYO TAPOS HINDI PALA MATUTULOY. :|

Grabehan! Kanina talaga oh, bihis na bihis na ako. May pupuntahan kasi dapat kami. After ilang minutes, sinabi bigla na hindi nalang daw itutuloy. Sobrang nakakaasar kaya yun! Yun yung tunay na kabadtripan. Galing. Pero syempre, wala naman akong magagawa eh. Oo nalang, pabayaan. Nakakaasar lang naman kasi. Importante pa naman yung lakad na yun. Hay. Dibale. Palipasin nalang.

Goodnight! Magboblog bukas.:)

Wednesday, March 31, 2010

I miss.

Nakakamiss talaga. Kaya nahihirapan ako sa ganito eh. Parang noon naman, ok lang ako, masaya tapos walang iniisip..tapos ngayon? :( Ayun yung naiisip ko. Ewan ko ba. 2 buwan 'tong ganito. Sana makayanan ko kasi syempre, ayokong mag-give up diba? HINDING-HINDI. Pero kasi ang hirap hirap hirap hirap..talaga. Sana walang makalimot, sana walang magsasawa, sana maayos lahat 'tong buong summer. Diba? Ayoko nung summer tapos..magiging wala.:| 'Di ko ata kakayanin. Ayun. Nakakamiss lang talaga.

Monday, March 29, 2010

Yeahhh! :D

Lagi na akong excited magblog. Tapos hindi ko alam kung bakit. Siguro masyado ko lang 'to namiss. Hahaha. Yeahhh! Sobrang sobrang sobrang happy na ako kasi wala na akong sakit. Pagkagising ko lang ngayon, ohyeah wala na. B)

SUMMER! Yehessss, summer na talaga! Grabe, sobrang sunburn na ako ngayon. Haha! Yeaaah, nagkaroon ng Swimming Party ang CV nung March 26, Friday.:> SOBRANG SAYA. Dumeretso na ako sa Cittadella tapos wala pang tao kaya sabi nila Papa, maghintay na muna ng tao. Ayun dumating si Mark tsaka si Moira. :D Tapos dumating na sila Yoshiko, JC, Kian and Jann. Swimming kaagad eh.:)) Nung lunch, ayan. EPIC FAIL nanaman ang Outbox.:| Isang oras bago dumating. Syempre lahat kami gutom na gutom na diba? Ako nga nababaliw na eh. :))

Yeah! Buong araw ba naman ang swimming namin diba tapos napagalitan kami ni JC nung lifeguard kasi nagtutulakan kami sa pool. DALAWANG BESES PA HA! Daya kaya, lagi kaming dalawa ni JC yung nahuhuli.:| Hahaha! As in. Awww, mamimiss ko talaga ng todo-todo tong CV. Mahal ko kayong lahat! :) Lahat kami nag-iba na yung kulay. Sobrang excited nanaman ako sa bagong plano. CV Swimming part 2! Ugh sana matuloy after Holy Week para masaya! :D

YES. Happy na ako. Kagabi hindi eh, akala ko kasi kung ano nanamang problema. Ok lang naman pala.:)

HAAAAAAPPINESSSSS! \m/

Saturday, March 27, 2010

After a decade.

Pagkatapos ng matagal na panahon, nakapag-blog na rin ako! Sa wakas. Grabehan naman kasi. Sobrang ultra mega uber duper B-U-S-Y these past few weeks. Kahit after na ng exams noon, puro practice dahil sa usher/usherette. Pero ok na ngayon. Sobrang free na! :)

3:40 na ng umaga ngayon. Hindi na ako makatulog kasi sobrang sama ng pakiramdam ko.

Ok. Ughhh, alam mo yun..yung bigla ka nalang tatahimik tapos mapapaisip ka? Ayun. Lalo ko lang tuloy namimiss ang school. Nakakamiss lang kasi yung mga friends. Lalo na yung CV. Sana nga may Part 2 yung Swimming natin! :D Hahaha! Grabe talaga, hindi na ako makatuloooooog.

Kahit sabihin kong bakasyon na at summer na sa wakas, meron pa ring isang bagay na mamimiss mo ng sobra-sobra. Yung biglaan mo nalang maiisip tapos bigla kang malulungkot. Malulungkot kasi basta! Ewan! Sobrang kakaiba yung feeling. 2 months 'to. Sana talaga, haaaay.:( Think Positive! Sana kahit buong 2 months, walang mangyaring malungkot tungkol dyan kasi sobrang masaya ako kapag andyan lang siya. Happiness! :D

"Even though we're far apart,
you're right beside me in my heart." :)

Sunday, February 7, 2010

Yes!

Ohyeah! Back to school na ulit bukas. Ewan ko ba, pero lately, lagi nalang akong excited pumasok sa school. Saya kasi eh. Hahaha! Sana hindi na ako ma-BV nang buong week. Sobrang saya ko naman nung buong weekend-Saturday and Sunday. Sana tuloy tuloy na, sana walang mangyaring problema. At kung meron man, sana maayos kaagad, yung hindi bumibigat at sumasama yung loob ko, nakakapagod na eh. Haha! BE HAPPY! :D

Bangin ka ba kasi nahuhulog na ako sayo. Naman kasi!
Unggoy ka ba kasi sumasabit ka sa puso ko. Naman kasi!
Pustiso ka ba kasi, you know I can't smileeee without yooou! :D
MAHAL KITA KASI - Nicole Hyala.

Ayan kumakalat na yung song, sobrang saya naman kasi eh! Ang lakas ng mga banat tapos nasa tune pa siya. Ang dali lang imemorize kasi ang cheesy. Hahaha! Super excited na ako magkantahan bukas kasama sila James. Yehey \m/ :)) Gumawa pa kami ng picture lyrics, ang saya-saya! Haha. :P

Ayun, kita-kita nalang bukas! Regular blogging na ulit ako! \:D/

Saturday, February 6, 2010

Happy happy day.

Goodafternoon.;)

Saturday. Kamusta ang araw ko? Masmatino at masmasaya naman kaysa sa nung Wednesday to Friday. Halos buong week ata akong BV nun oh. Nakakaasar naman kasi eh. Tapos nung mga araw na yun, mas-angat pa ang pagiging badtrip at BV mode ko. Minsan, di ko nga alam yung rason kung bakit nalang ako biglang ma-BBV. May nakita lang siguro ako tsaka sabi nila, masyado lang daw akong nag-iisip ng kung anu-ano na dapat naman hindi isipin. Ayun lang siguro yun. Pero ngayon, HAPPY ako. Hindi na ako masyadong mag-iisip ng kung anu-ano pang problema. Lalo lang daw akong masestress niyan. Hahaha! Ayun. BE HAPPY.:D

Andito ako ngayon sa Office ni Mama. Wala kasing gumagamit ng computer ngayon kaya ok lang daw na gamitin ko muna. Naisipan ko ulit mag-blog habang nakikinig ng music. Happy music syempre, ayoko na makinig ng mga Senti at Emo na kanta. Nakakairita at Nakaka-BV. Ayan. Hahaha.:)) Say no to BV.;) Go happy. Open Happiness. Haha.

In 10 minutes, aalis na rin kami. ATLAST! Mapapanood ko na rin-Paano na Kaya YEHEY! \m/ :)) Naaalala ko, lagi namin tong kinakanta nila James, Sam at JC kapag napapagtripan namin kumanta. Tapos pinag-uusapan namin palagi ni Sam tong movie na 'to. Ayan, mapapanood ko na! YES! Excited na ako.:))

Ayun lang muna. Magboblog ako mamayang gabi. Kwento! Hahaha! ^^,

Monday, February 1, 2010

Lagi nalang,

Oh? Ano nanaman bang problema natin? Akala ko ba masaya na tapos ok na. PERFECT na sana lahat eh. Kaso umarangkada nanaman yan! Kahit na ano pang gawin ko, humahantong at bumabalik lang lahat dyan. Wala na bang mangyayari? Lagi nalang ba? PAULIT-ULIT NALANG KASI EH! Nakakasawa, sobrang pagod na pagod na ako. SALAMAT HA. SOBRANG SALAMAT. Konti nalang talaga eh..sasabog na talaga ako sa sama ng loob. Alam mo yun? Yung feeling na ang bigat bigat ng pakiramdam mo dahil sa problema? Ayun, nararamdaman ko yun ngayon. Bakit ba kasi parang hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko? KUNG NARARAMDAMAN MO LANG DIBA. Hay nako. Lagi nalang kasi ganito eh. Yun lang naman ang hinihingi ko, sobrang simple lang. Lahat ng tao kaya pang gawin yan. Pero ikaw, hindi mo magawa.:( Nakakalungkot lang na paulit-ulit lang nagiging ganito. Hindi ka pa ba nagsasawa? O ako lang talaga yun kasi ikaw..wala kang maramdaman. :(

:(

Sunday, January 31, 2010

Free day.

Goodmorning! :) 

Yehey, free day ngayon so makakapagrelax at chill muna. B) Hahaha! Kahapon, nanood kami ng Movie: Spy Next Door. Ang saya-saya tapos sobrang laughtrip pa! Hahaha.^^, Sobrang nagtext din ako kahapon. Thanks sa mga nagtetext sakin! Nako, kung hindi kayo nagtext, wala na, sabog na ako sa sobrang walang ginagawa. :P 

Atleast TUESDAY bukas. Double period ng Computer sa morning tapos P.E. swimming sa hapon. Masaya pa din. Yehey! :) Hahahaha! Okay, back to normal na rin sa lahat after ng week na yan. DEMOKRATIKOS, laban pa rin! \m/

Yung hinahangad kong wish? Natupad na ulit. Ok na kaya sobrang saya ko na. :D Tapos yung isa pang misunderstanding? Ok na rin yun. :) Pagkapasok na pagkapasok ko bukas, super hyper nanaman ako. Ay kaso..MAY PASA AKO SA DALAWA KONG TUHOD. :(( Uggh, ansakit kaya tapos yung isang pasa may bukol pa. :| Haaay tugsh.:(

Pero tuloy pa rin. Grabe maghyhyper talaga ako bukas, to the next level hyperness.=))

Morning ulet. Breakfast time. B-) 


Monday, January 25, 2010

Sinong tama? Sinong mali? :(

Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung kanino ako kakampi. Hindi ko alam kung sino ba talaga may kasalanan, sino bang may sala. Ang hirap. Parehas ko nga silang kaibigan, kapag pumunta at kumampi ako sa isa, magagalit yung isa. Vice-versa na din. :( Sobrang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muntikan pa silang magsagutan kanina. :(( Tapos kaming tatlo lang yung nasa lugar na yun kanina. :( Hindi na ako makasalita kasi AYOKONG KUMAMPI kay kahit kanino. Sana naman tumigil na kayo. Ako rin ang nahihirapan kapag nagkekwento kayong dalawa sakin eh. Parang gusto ko nang umiyak. Hindi ko na alam gagawin ko. Huwag kayong dalawang magpadala sa pangyayaring yan. Napapagod na ako sa inyong dalawa. :( Wala akong kinakampihan, naiintindihan ko yung points & sides niyo pero, UGHHH, ang hirap. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin..kung ano ang tamang sabihin.:( 

HIRAP NA HIRAP NA AKO. Puro nalang kasi gulo at away ang naririnig ko mula sa inyo. Sana tigil na. Sana maayos niyo na yang away niyo. Parehas naman kayong matalino eh, AS IN SOBRA. Sana maging ok na kayong dalawa. :(

Saturday, January 23, 2010

Morning.:)

WAKE UP IN THE MORNING FEELIN' LIKE P. DIDDY! :))

Goodmorning! \m/ Yehey! Mamaya-mayang 9:30 AM, gagawin ko na yung Art namin. Naeexcite na nga akong gawin eh, gagawa kami ng Anito out of clay. Tapos 10 inches ang height ng gagawin ko, Male. Ayun, kagabi, ang saya-saya ng feeling ko. Maayos naman lahat ng nangyari kahapon. HAPPY HAPPY DAY! :D Ay grabe, excited na talaga ako bukas. Intrams practice na whole day pa, woohooo! Makakapag-chill & relax muna. Hahaha :) Sana madala ko na si Banana bukas. Nasa labahan pa kasi ngayon, andumi-dumi na kasi! Ang daming humawak-hawak tapos may nag-uwi pa! Tsk. :)) MISS KO NA YUNG BANANAAAA! :(( =)) Hahahaha! Okay, next, yung tela tapos na. HAPPY HAPPY HAPPY DAY! :D Ayun. GOODMORNING ULIT. Breakfast na. ^^,

Friday, January 22, 2010

9 days! XD

After 9 days, tsaka lang ako nagkaroon ng time para mag-blog ulit. YEHEY! nakakamiss mag-blog. :D KAMUSTA ANG ARAW? Sobrang saya-saya ko kasi nakuha ko na yung 3rd wish ko nung birthday ko. THANKYOU LORD! Super thankful ako kasi hindi ko ineexpect na mangyayari yun. CARD! :) Sobrang lucky ko ngayon 3rd quarter. SOBRANG LUCKY. Napaisip pa nga ako eh, siguro dahil sa pagiging inspired, naging okay tong 3rd quarter ko, noh? :)) HAHAHAHA! :P Ayun, ang saya-saya ng araw ko, sobra-sobra! Naging usherette ulit ako para sa PTC. SUPER DUPER ULTRA MEGA HAPPY DAY! Naging successful naman kasi sobrang enjoy. :D AT YES, thankyou kay Ymara Yap and Efril Detablan sa gift! :) SOBRANG THANKYOU. Hehehe. ^^,

INTRAMS NA NEXT WEEEEK! Super practice, no classes buong week. Nakaka-excite ng sobra tong Intrams. GO DEMOKRATIKOS!!! :)

'Till the next blog. ;)

natutunan kong lesson ngayong araw? :)
"Never put your trust sa mga sinasabi through YM or text or other electronic communications. PUT YOUR TRUST kapag sinabi na talaga sayo PERSONAL & HARAP-HARAPAN." -Ms. Mac :D

Wednesday, January 13, 2010

Happy Birthday :D

JANUARY 13, 2010! isa sa pinaka-maaalala kong araw sa BUONG BUHAY KO. Hinding-hindi pwedeng makalimutan 'tong araw na 'to. SOBRA! :)

5:00 ng umaga, nagising ako. Tiningnan ko yung cellphone ko..pagkakita ko, may mga messages. Ayun, nakita ko kaagad, may nagtext at nag greet ng HAPPY BIRTHDAAAY! super thankyou sa mga nagtext ng ganun kaaga, nageffort pa kayo. SUPER THANKYOU! sobrang appreciate ko yun.:)

Pagdating ko sa school, andami na kaagad naggreet sa akin habang nagpapractice para sa cheering ng Intrams. SOBRANG THANKYOU SA LAHAT-LAHAT NANG NAG-GREET! 2nd year, super thankyou! :D Nung 7:20 na, kailangan na pumila. Dami uling bumati! Hahaha! Umagang-umaga palang, sobra-sobra, umaapaw na ng todo-todo yung saya ko. Tapos sobrang smile! :D Nung umakyat na kami sa room, andami nag greet suepr thankyou CV! may nakasulat pa sa board, "Katorse na si Gabong! :D Read! January 13, '10" Hahaha! Haaay Sam! XD THANKYOOOOOOU! Tapos nagbigay ng gift si L. Natatakot pa akong buksan, baka mamaya kung ano.:)) HAHAHA! thanks sa gift! :D 

Recess, super greetingggggggg, super bati lahaaaat! THANKYOOOOU! :D Ok tapos skip ko, LUNCH TIME NAMAN! Grabe, ok nagpapanic na ako, tumakbo ako sa canteen kasi andun nakalagay yung Mcdo food. Nagpatulong ako sa mga taga CV sa box tsaka mga kung ano-ano. THANKS! ok tapos dinala na sa under the bridge. Tapos doon kami kumain buong CV. Thanks sa pagkanta ng Happy Birthday tapos SOBRA-SOBRA-SOBRANG LAKAS! Hahaha! dalawang beses pa.:) THANKYOOOOU! :) Tapos may tumakip ng mata ko, tapos si Nikki. Hinila niya ako papunta malapit dun sa stairs sa may canteen. Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko..PICTURE NI DAVID ARCHULETA! Naka-frame paaaa! SUPER THANKYOOOU ILOVEYOU NIKKEY! tapos meron pang malaking Patrick Starfish na stufftoy. :) Andami. Tapos bigla nalang niya pinakita SUPER LAKING card puro sulat ng mga kaibigan ko. Ewan ko kung tatawa ako o iiyak sa sobrang saya. PERO SYEMPRE, be happy! Sobrang nafeel ko na important din pala ako sa inyo.:) Thankyou! 

Ayun, sobrang thankyou sa lahat, lahat, lahat, lahat, lahat! :DDD Hinding-hindi ko 'to makakalimutan. January 13, 2010! Thankyou Sophomores. :D CV, mahal ko kayooooo! Hahaha! KATORSE!? :)) Thanks ule sa mga bumati and sumulat sa card! :D LALALALALA! At yes, nakuha ko ang wish ko. Thanks!:)




Monday, January 11, 2010

Atlast!

Yehey! Nakapag-blog na ulit ako, ATLAST! :) Ngayon nalang ako naging free at hindi na busy. Thankyooou Lord. ^^
Nag-decide ako ulit na gumawa ng ISA PANG continuation ng magical blog of love ko. :) 

PART 3! ;)
Diba sabi ko bihira nalang ako makarinig na: pagkatapos ng 10 or 20 years, nakakapaghintay pa rin ang pag-ibig? Totoo naman kasi diba? Saan ka nakarinig na nakapaghintay ang isang lalaki OR after ng matagal na hindi niyo pagkikita ng mahal mo, nagkita kayo ulit after 10 years-tapos sa huli nagkatuluyan kayong dalawa? DIBA SOBRANG BIHIRA LANG? Meron pa ba talagang destiny? :-?

Kahit na naniniwala ako sa destiny, ganyan pa rin ang nakatatak sa utak ko. Kasi wala naman akong naririnig or nakikitang proof. Puro nalang mga telanovelas yan diba? 

PERO, kanina, may nagkwento sa akin ng love story tungkol sa relative niya. Yung lalaki na yun, may girlfriend na ngayon. Girl's mom and boy's dad: sila noon & boy's mom and girl's dad: sila din noon. Diba ang astig? Pero ayun nga, noon pa yun. || Kwento ko yung love story ng babae at lalaki..FLAAAAAAASHBAAAAAAACKKKKK!

Santacruzan-4 years old palang ang babae at lalaki tapos magpartner sila dito sa event. Yung batang lalaki, may suot-suot na singsing. Inagaw ng babae at kinuha sa kamay niya.

Boy: UUUUY!! Balik mo na kasi yaaaan! Akin yaaaan!
Girl: Eh ayoko nga! 
Boy: Ano bang dapat kong gawin para makuha yan ulit!? AKIN NA KASI! :((
Girl: Kiss mo muna ako.
*Kiniss naman ni Boy si Girl. AT napicture-an ng Nanay nila yung kissing scene moment.*

OO, 4 YEARS OLD LANG YAN! :)) nakakagulat, oo. GRABE!

Simula nang mag-aral sila, naging magkaklase sila. HANGGANG GRADE 1 lang. :( Kasi lumipat na yung babae sa ibang school nung Grade 2 na siya. AT, hindi na sila nagkita ulit. :( 

Hanggang sa lumipas ang panahon, naging 3rd year college na ang lalaki. May assignment sila, magdala raw ng Yearbook, yung bata pa. AYAN, the next day..nakita ng lalaki yung yearbook at picture na dala ng isang babae..

Boy: Bakit meron ka nyan?!
Girl: Eh ako kasi yung babae sa picture na 'to.
Boy: Ako yung lalaking yan eh!

Boy at girl..HAPPY ENDING. Oo, nagkatuluyan sila at hanggang ngayon, sila pa rin. :)

NGAYON, naniniwala na talaga ako sa DESTINY. Nakakita na ako ng proof eh. Ayun, happy happy happy destiny.

Ang tunay na pag-ibig ay naghihintay. :)
                                                   -Florante at Laura



Tuesday, January 5, 2010

Just smile. :)

Minsan kasi sa buhay, oh sige, sabihin nating madalas, hindi talaga maiiwasan na magkaproblema sa mga bagay-bagay. Magtatanong ka kung bakit nagiging ganyan na buhay mo, tatanungin mo kung ano bang meron bakit pinagdadaanan mo pa 'to. Parang gusto mo sumabog na buhay mo kasi sobrang hirap ng pinagdadaanan mo. Diba? Oo, mahirap at masakit pero ayan ang CHALLENGE sa atin. Sinasabi nga nila na bago ka magtagumpay, kailangan mo munang bumagsak. Kailangan mo munang maranasan yung hirap bago ka maging masaya. Kailangan muna nating matuto. Pinadadanas muna satin yung hirap para sa huli, masosolve natin 'to tapos matututo tayo. AT magiging masmalakas tayo. STRONGER & BETTER. :) 

Kahit na may problema ka ngayon, kahit nasasaktan ka na, hindi mo kailangang mag-give up. WALANG PATUTUNGUHAN ang pagsuko. Pagdaanan mo tapos lakasan mo loob mo. Before you know it, it's all over tapos happy ending na. :D

Lagi paring magsasmile kahit may problema. ALWAYS SMILE. Magiging maayos din ang lahat. Kung hindi man ngayon, hintayin lang. Minsan, may mga 'happy ending' tayong naiisip pero hindi nangyayari. Hindi lang natin alam na naghahappy ending na pala. Hindi lang natin pinapansin kasi may iba tayong gustong mangyari. :)

JUST SMILE. :) 

Friday, January 1, 2010

Happiness. :)

Ito na, ang pinaka-unang blog ko ng 2010. \m/ Wala munang seryosong Blog. BE HAPPY MUNA. Hindi yung mga tungkol sa nakakaasar, nakakairita at destiny na yan. HAPPY 2010! XD =)) Next time na yan. :P

HAPPY NEW YEAR sa lahat! Thank you sa mga nagpasaya at nagpatingkad ng buhay ko ng 2009. Sobrang THANKYOU.:D Ayun, kamusta naman New Year niyo? Anong ginawa niyo nung nag-12:00 AM? AKO, TUMALON! Diba kasi sabi nila, kapag tumalon ka daw ng New Year, tatangkad ka. KAILANGAN KONG TUMANGKAD. At hindi masamang mangarap ha. Libreng-libre lang mangarap. Diba? :))

Second day of the year, January 2, 2010. Dalawang araw nalang, balik-school na. Hindi mo ba nafeefeel na kapag nasa bakasyon, "ARGG. Gusto ko nang pumasok!"? Pero kapag nasa school ka na, "Sana magbakasyon na. Pleaaaase!"? Nafeefeel mo ba yun na parang gusto mong pumasok pero ayaw mo din? :)) Ang tao talaga noh. ^^, PERO NGAYON, SOBRANG EXCITED AKONG PUMASOK. NAKAKAMISS TALAGA YUNG SCHOOL. :) 

Excited na rin ako sa isa pang bagay. 11 days nalang. YEHEY! :) Sana matupad yung wish. SOBRANG MASAYA kapag natupad yang wish na yan. 11 DAYS! January 13, 2010 is the daaaaaaay! :)) 

Ohyeah! HAPPINESS! :DDD
Blog ako tomorrow morning.:)