Sunday, January 31, 2010

Free day.

Goodmorning! :) 

Yehey, free day ngayon so makakapagrelax at chill muna. B) Hahaha! Kahapon, nanood kami ng Movie: Spy Next Door. Ang saya-saya tapos sobrang laughtrip pa! Hahaha.^^, Sobrang nagtext din ako kahapon. Thanks sa mga nagtetext sakin! Nako, kung hindi kayo nagtext, wala na, sabog na ako sa sobrang walang ginagawa. :P 

Atleast TUESDAY bukas. Double period ng Computer sa morning tapos P.E. swimming sa hapon. Masaya pa din. Yehey! :) Hahahaha! Okay, back to normal na rin sa lahat after ng week na yan. DEMOKRATIKOS, laban pa rin! \m/

Yung hinahangad kong wish? Natupad na ulit. Ok na kaya sobrang saya ko na. :D Tapos yung isa pang misunderstanding? Ok na rin yun. :) Pagkapasok na pagkapasok ko bukas, super hyper nanaman ako. Ay kaso..MAY PASA AKO SA DALAWA KONG TUHOD. :(( Uggh, ansakit kaya tapos yung isang pasa may bukol pa. :| Haaay tugsh.:(

Pero tuloy pa rin. Grabe maghyhyper talaga ako bukas, to the next level hyperness.=))

Morning ulet. Breakfast time. B-) 


Monday, January 25, 2010

Sinong tama? Sinong mali? :(

Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung kanino ako kakampi. Hindi ko alam kung sino ba talaga may kasalanan, sino bang may sala. Ang hirap. Parehas ko nga silang kaibigan, kapag pumunta at kumampi ako sa isa, magagalit yung isa. Vice-versa na din. :( Sobrang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muntikan pa silang magsagutan kanina. :(( Tapos kaming tatlo lang yung nasa lugar na yun kanina. :( Hindi na ako makasalita kasi AYOKONG KUMAMPI kay kahit kanino. Sana naman tumigil na kayo. Ako rin ang nahihirapan kapag nagkekwento kayong dalawa sakin eh. Parang gusto ko nang umiyak. Hindi ko na alam gagawin ko. Huwag kayong dalawang magpadala sa pangyayaring yan. Napapagod na ako sa inyong dalawa. :( Wala akong kinakampihan, naiintindihan ko yung points & sides niyo pero, UGHHH, ang hirap. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin..kung ano ang tamang sabihin.:( 

HIRAP NA HIRAP NA AKO. Puro nalang kasi gulo at away ang naririnig ko mula sa inyo. Sana tigil na. Sana maayos niyo na yang away niyo. Parehas naman kayong matalino eh, AS IN SOBRA. Sana maging ok na kayong dalawa. :(

Saturday, January 23, 2010

Morning.:)

WAKE UP IN THE MORNING FEELIN' LIKE P. DIDDY! :))

Goodmorning! \m/ Yehey! Mamaya-mayang 9:30 AM, gagawin ko na yung Art namin. Naeexcite na nga akong gawin eh, gagawa kami ng Anito out of clay. Tapos 10 inches ang height ng gagawin ko, Male. Ayun, kagabi, ang saya-saya ng feeling ko. Maayos naman lahat ng nangyari kahapon. HAPPY HAPPY DAY! :D Ay grabe, excited na talaga ako bukas. Intrams practice na whole day pa, woohooo! Makakapag-chill & relax muna. Hahaha :) Sana madala ko na si Banana bukas. Nasa labahan pa kasi ngayon, andumi-dumi na kasi! Ang daming humawak-hawak tapos may nag-uwi pa! Tsk. :)) MISS KO NA YUNG BANANAAAA! :(( =)) Hahahaha! Okay, next, yung tela tapos na. HAPPY HAPPY HAPPY DAY! :D Ayun. GOODMORNING ULIT. Breakfast na. ^^,

Friday, January 22, 2010

9 days! XD

After 9 days, tsaka lang ako nagkaroon ng time para mag-blog ulit. YEHEY! nakakamiss mag-blog. :D KAMUSTA ANG ARAW? Sobrang saya-saya ko kasi nakuha ko na yung 3rd wish ko nung birthday ko. THANKYOU LORD! Super thankful ako kasi hindi ko ineexpect na mangyayari yun. CARD! :) Sobrang lucky ko ngayon 3rd quarter. SOBRANG LUCKY. Napaisip pa nga ako eh, siguro dahil sa pagiging inspired, naging okay tong 3rd quarter ko, noh? :)) HAHAHAHA! :P Ayun, ang saya-saya ng araw ko, sobra-sobra! Naging usherette ulit ako para sa PTC. SUPER DUPER ULTRA MEGA HAPPY DAY! Naging successful naman kasi sobrang enjoy. :D AT YES, thankyou kay Ymara Yap and Efril Detablan sa gift! :) SOBRANG THANKYOU. Hehehe. ^^,

INTRAMS NA NEXT WEEEEK! Super practice, no classes buong week. Nakaka-excite ng sobra tong Intrams. GO DEMOKRATIKOS!!! :)

'Till the next blog. ;)

natutunan kong lesson ngayong araw? :)
"Never put your trust sa mga sinasabi through YM or text or other electronic communications. PUT YOUR TRUST kapag sinabi na talaga sayo PERSONAL & HARAP-HARAPAN." -Ms. Mac :D

Wednesday, January 13, 2010

Happy Birthday :D

JANUARY 13, 2010! isa sa pinaka-maaalala kong araw sa BUONG BUHAY KO. Hinding-hindi pwedeng makalimutan 'tong araw na 'to. SOBRA! :)

5:00 ng umaga, nagising ako. Tiningnan ko yung cellphone ko..pagkakita ko, may mga messages. Ayun, nakita ko kaagad, may nagtext at nag greet ng HAPPY BIRTHDAAAY! super thankyou sa mga nagtext ng ganun kaaga, nageffort pa kayo. SUPER THANKYOU! sobrang appreciate ko yun.:)

Pagdating ko sa school, andami na kaagad naggreet sa akin habang nagpapractice para sa cheering ng Intrams. SOBRANG THANKYOU SA LAHAT-LAHAT NANG NAG-GREET! 2nd year, super thankyou! :D Nung 7:20 na, kailangan na pumila. Dami uling bumati! Hahaha! Umagang-umaga palang, sobra-sobra, umaapaw na ng todo-todo yung saya ko. Tapos sobrang smile! :D Nung umakyat na kami sa room, andami nag greet suepr thankyou CV! may nakasulat pa sa board, "Katorse na si Gabong! :D Read! January 13, '10" Hahaha! Haaay Sam! XD THANKYOOOOOOU! Tapos nagbigay ng gift si L. Natatakot pa akong buksan, baka mamaya kung ano.:)) HAHAHA! thanks sa gift! :D 

Recess, super greetingggggggg, super bati lahaaaat! THANKYOOOOU! :D Ok tapos skip ko, LUNCH TIME NAMAN! Grabe, ok nagpapanic na ako, tumakbo ako sa canteen kasi andun nakalagay yung Mcdo food. Nagpatulong ako sa mga taga CV sa box tsaka mga kung ano-ano. THANKS! ok tapos dinala na sa under the bridge. Tapos doon kami kumain buong CV. Thanks sa pagkanta ng Happy Birthday tapos SOBRA-SOBRA-SOBRANG LAKAS! Hahaha! dalawang beses pa.:) THANKYOOOOU! :) Tapos may tumakip ng mata ko, tapos si Nikki. Hinila niya ako papunta malapit dun sa stairs sa may canteen. Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko..PICTURE NI DAVID ARCHULETA! Naka-frame paaaa! SUPER THANKYOOOU ILOVEYOU NIKKEY! tapos meron pang malaking Patrick Starfish na stufftoy. :) Andami. Tapos bigla nalang niya pinakita SUPER LAKING card puro sulat ng mga kaibigan ko. Ewan ko kung tatawa ako o iiyak sa sobrang saya. PERO SYEMPRE, be happy! Sobrang nafeel ko na important din pala ako sa inyo.:) Thankyou! 

Ayun, sobrang thankyou sa lahat, lahat, lahat, lahat, lahat! :DDD Hinding-hindi ko 'to makakalimutan. January 13, 2010! Thankyou Sophomores. :D CV, mahal ko kayooooo! Hahaha! KATORSE!? :)) Thanks ule sa mga bumati and sumulat sa card! :D LALALALALA! At yes, nakuha ko ang wish ko. Thanks!:)




Monday, January 11, 2010

Atlast!

Yehey! Nakapag-blog na ulit ako, ATLAST! :) Ngayon nalang ako naging free at hindi na busy. Thankyooou Lord. ^^
Nag-decide ako ulit na gumawa ng ISA PANG continuation ng magical blog of love ko. :) 

PART 3! ;)
Diba sabi ko bihira nalang ako makarinig na: pagkatapos ng 10 or 20 years, nakakapaghintay pa rin ang pag-ibig? Totoo naman kasi diba? Saan ka nakarinig na nakapaghintay ang isang lalaki OR after ng matagal na hindi niyo pagkikita ng mahal mo, nagkita kayo ulit after 10 years-tapos sa huli nagkatuluyan kayong dalawa? DIBA SOBRANG BIHIRA LANG? Meron pa ba talagang destiny? :-?

Kahit na naniniwala ako sa destiny, ganyan pa rin ang nakatatak sa utak ko. Kasi wala naman akong naririnig or nakikitang proof. Puro nalang mga telanovelas yan diba? 

PERO, kanina, may nagkwento sa akin ng love story tungkol sa relative niya. Yung lalaki na yun, may girlfriend na ngayon. Girl's mom and boy's dad: sila noon & boy's mom and girl's dad: sila din noon. Diba ang astig? Pero ayun nga, noon pa yun. || Kwento ko yung love story ng babae at lalaki..FLAAAAAAASHBAAAAAAACKKKKK!

Santacruzan-4 years old palang ang babae at lalaki tapos magpartner sila dito sa event. Yung batang lalaki, may suot-suot na singsing. Inagaw ng babae at kinuha sa kamay niya.

Boy: UUUUY!! Balik mo na kasi yaaaan! Akin yaaaan!
Girl: Eh ayoko nga! 
Boy: Ano bang dapat kong gawin para makuha yan ulit!? AKIN NA KASI! :((
Girl: Kiss mo muna ako.
*Kiniss naman ni Boy si Girl. AT napicture-an ng Nanay nila yung kissing scene moment.*

OO, 4 YEARS OLD LANG YAN! :)) nakakagulat, oo. GRABE!

Simula nang mag-aral sila, naging magkaklase sila. HANGGANG GRADE 1 lang. :( Kasi lumipat na yung babae sa ibang school nung Grade 2 na siya. AT, hindi na sila nagkita ulit. :( 

Hanggang sa lumipas ang panahon, naging 3rd year college na ang lalaki. May assignment sila, magdala raw ng Yearbook, yung bata pa. AYAN, the next day..nakita ng lalaki yung yearbook at picture na dala ng isang babae..

Boy: Bakit meron ka nyan?!
Girl: Eh ako kasi yung babae sa picture na 'to.
Boy: Ako yung lalaking yan eh!

Boy at girl..HAPPY ENDING. Oo, nagkatuluyan sila at hanggang ngayon, sila pa rin. :)

NGAYON, naniniwala na talaga ako sa DESTINY. Nakakita na ako ng proof eh. Ayun, happy happy happy destiny.

Ang tunay na pag-ibig ay naghihintay. :)
                                                   -Florante at Laura



Tuesday, January 5, 2010

Just smile. :)

Minsan kasi sa buhay, oh sige, sabihin nating madalas, hindi talaga maiiwasan na magkaproblema sa mga bagay-bagay. Magtatanong ka kung bakit nagiging ganyan na buhay mo, tatanungin mo kung ano bang meron bakit pinagdadaanan mo pa 'to. Parang gusto mo sumabog na buhay mo kasi sobrang hirap ng pinagdadaanan mo. Diba? Oo, mahirap at masakit pero ayan ang CHALLENGE sa atin. Sinasabi nga nila na bago ka magtagumpay, kailangan mo munang bumagsak. Kailangan mo munang maranasan yung hirap bago ka maging masaya. Kailangan muna nating matuto. Pinadadanas muna satin yung hirap para sa huli, masosolve natin 'to tapos matututo tayo. AT magiging masmalakas tayo. STRONGER & BETTER. :) 

Kahit na may problema ka ngayon, kahit nasasaktan ka na, hindi mo kailangang mag-give up. WALANG PATUTUNGUHAN ang pagsuko. Pagdaanan mo tapos lakasan mo loob mo. Before you know it, it's all over tapos happy ending na. :D

Lagi paring magsasmile kahit may problema. ALWAYS SMILE. Magiging maayos din ang lahat. Kung hindi man ngayon, hintayin lang. Minsan, may mga 'happy ending' tayong naiisip pero hindi nangyayari. Hindi lang natin alam na naghahappy ending na pala. Hindi lang natin pinapansin kasi may iba tayong gustong mangyari. :)

JUST SMILE. :) 

Friday, January 1, 2010

Happiness. :)

Ito na, ang pinaka-unang blog ko ng 2010. \m/ Wala munang seryosong Blog. BE HAPPY MUNA. Hindi yung mga tungkol sa nakakaasar, nakakairita at destiny na yan. HAPPY 2010! XD =)) Next time na yan. :P

HAPPY NEW YEAR sa lahat! Thank you sa mga nagpasaya at nagpatingkad ng buhay ko ng 2009. Sobrang THANKYOU.:D Ayun, kamusta naman New Year niyo? Anong ginawa niyo nung nag-12:00 AM? AKO, TUMALON! Diba kasi sabi nila, kapag tumalon ka daw ng New Year, tatangkad ka. KAILANGAN KONG TUMANGKAD. At hindi masamang mangarap ha. Libreng-libre lang mangarap. Diba? :))

Second day of the year, January 2, 2010. Dalawang araw nalang, balik-school na. Hindi mo ba nafeefeel na kapag nasa bakasyon, "ARGG. Gusto ko nang pumasok!"? Pero kapag nasa school ka na, "Sana magbakasyon na. Pleaaaase!"? Nafeefeel mo ba yun na parang gusto mong pumasok pero ayaw mo din? :)) Ang tao talaga noh. ^^, PERO NGAYON, SOBRANG EXCITED AKONG PUMASOK. NAKAKAMISS TALAGA YUNG SCHOOL. :) 

Excited na rin ako sa isa pang bagay. 11 days nalang. YEHEY! :) Sana matupad yung wish. SOBRANG MASAYA kapag natupad yang wish na yan. 11 DAYS! January 13, 2010 is the daaaaaaay! :)) 

Ohyeah! HAPPINESS! :DDD
Blog ako tomorrow morning.:)