Wednesday, April 28, 2010

Can you feel the heat?!

Grabe men! Can you feel it? Todo-todo na talaga to noh? Nakita ko kanina, RECORD BREAKING yung temp. natin: 38.5 tayo! Konting galaw mo lang, pawis ka na kaagad. Umalis ka lang sa harap ng electric fan, TOOOOT! wala na. Parang hihimatayin ka na. Kaya masaya kapag nasa kwarto ka lang palagi na may aircon. Noh? :))

Kaya lately, lagi na akong sumasama sa work ni Mama kapag free ako at walang Taekwondo classes. Kaya kapag nasa kotse, OHYES! Sobrang saya kasi ang lamig sa kotse. Kapag nasa office and field si Mama, sarap din. Lamig talaga grabe.:> TAPOS, wala akong ginawa sa kotse kung hindi matulog lang at kumain. KUMAIN NANG KUMAIN! \m/ goal ko nga this summer, 200 pounds. Bwahahaha! >:)

Gusto ko na nga rin palang pumasok. :( Sobrang namimiss ko na lahat-lahat sa school & friends. Haaaay. Ok lang, halos isang buwan nalang, BACK TO SCHOOL NA! \m/

P.S. Sana mag-snow sa Pilipinas!


Monday, April 26, 2010

Braces. :)

Magicaaaaaaaal braces! :D

Sabi nila Mama, balak na nila akong palagyan ng braces THIS SUMMER. :-S Grabehan. Para sa akin, ok lang yun! Excited pa nga ako eh. Kaso nga lang, nagsisimula na akong mag-Taekwondo. Nakakatakot kasi baka mamaya, kakalagay lang ng braces ko..malay mo bigla matamaan yung mukha ko at sana 'wag namang mangyari! *knocks on wood* GRABE. Gusto ko na nga mag-braces para mawala na 'tong gitnang gap sa ipin ko.:D Hahaha! Kinakabahan lang ako baka mamaya kung anong mangyari. Ok naman yung natanungan na dental clinic suggested by a friend. (Hi Mariam!) GRABE TALAGA! Excited ako na kinakabahan. Tapos ayokong pumayat! Kailangan kong kumain kahit masakit nang naka-braces. Hahaha! BOCHOG pa rin.

Kailan kaya ako magbabraces talaga? :-?

Monday, April 19, 2010

This is it

Ito na! To the highest level excited na ako! Nung last two weeks kasi, kumakain kami ng family ko sa Batangas. Tapos bigla nalang pumasok yung topic na 'to sa usapan. TOPIC: Taekwondo. Pinag-usapan namin tapos yung memories. Nung mga 11 years old kasi ako, nagtaekwondo classes kami, naabot namin yung high red. Eh bigla kaming nagstop dahil sa isang accident. Nung tournament kasi ni Kuya Paeng, nag-turning side kick siya tapos yung kalaban niya, nag-45 lang. Pagka-ikot ni Kuya Paeng, saktong tinamaan siya ng 45 sa bibig. Naaksidente siya, tapos dinala sa ospital. Pero ok na syempre si Kuya Paeng ngayon, 2-3 years ago pa naman yun. Feeling ko, yun yung reason kung bakit kami pinatigil ng parents namin mag-taekwondo.:(

Pero ayun, sabi nila Papa, magtaekwondo nalang daw ako ulit. Sayang naman daw kung hindi ko itutuloy diba? Kaya SOBRA SOBRA na akong excited. AS INNNNN! This is it. Sa Wednesday na ako magsastart. Bale, Wednesday and Saturday ako. \m/ Magtatake rin ako ng classes sa Monday para ma-condition ako ulit. Kasi medyo matagal na rin ako bago bumalik dito sa sessions.

AAAAAT, buti nalang! Hindi ko kailangang bumalik ng Beginner sessions kasi parehas yung Association ng pinuntahan ko noon tsaka sa ngayon.:) Sobrang excited na talaga ako.

Can't waaaaaait! :DDDD

Saturday, April 17, 2010

Wish wish wish.:)

April 17, 2009. Once again, a super duper ultra mega happy day.:)
HAPPY BIRTHDAY MARIA EUNICE CHARINA DAVID ESTOLATAN! Sobrang salamat sa pag-invite! Sobrang saya ko.:)

Ok. Mga 4:00, dumating na ako sa venue ng kainan, sa Shakey's, sa may harap ng Perpetual. Ako yung unang dumating, naghintay ako ng mga 5 minutes..si Jasmine dumating na. Tapos sunod sunod na yun. Napagtripan namin mag-FUUUUUUUUN ZONEEEEE. Aliw talaga kasi first time ko palang pumunta sa branch ng Shakey's na yun. :))

Grabe! Kaninang umaga, nahulog yung pilikmata ko sa pisngi ko. Eh naalala ko na may kasabihan na dapat kunin mo, mag-wish ka, tapos i-blow mo. Edi nag wish nga ako. Yung wish kong yun, naisip ko lang bigla tsaka hindi ko na inexpect na mangyari yun kasi ang imposible. Nagtry lang ako magwish kasi yun yung unang pumasok sa utak ko. TAPOS AYUUUUUN! *BOOM!* Nagulat ako! Nangyari bigla dun sa party! Sinabi nalang sakin bigla..edi syempre kinabahan ako. Parang sabog talaga! Yung feeling na natutuwa ako, na masaya ako, na kinakabahan tapos parang ayaw ko rin. KASI NGA HINDI KO ALAM! Wala namang nagsabi sakin. Nung dumating lang ako dun, tsaka lang sinabi. Tugsh. Ayun na. Pero ayos lang naman. SOBRANG HAPPY AKO NA NANGYARI YUN. Atleast, ok na ok na lahat.:)
YEAAAHHHH! Happy birthday ulit Eunice! Thanksthanks! :D

--Off to Batangas tomorrow morning ulit! Excited na excited na ako! Can't wait. WAKEBOARDING! \m/
Goodnight. Next blog ulit.;)

Tuesday, April 13, 2010

Wait lang :)

Haaaaaay. Atlast! Back to normal na rin ulit lahat. Akala ko naman kasi parang wala na. Sobrang baba na nga ng hope ko eh. Pero ayun, sabi nga ng iba, THINK POSITIVE! Ayun, ok lang naman pala. Sobrang namiss ko yung usapang ganun. Namiss ko 'to. Akala ko kasi ako nalang 'to, akala ko wala na siyang pakialam. Andyan lang naman pala. Super duper ultra mega uber salamat Lord. Hindi talaga ako bibitaw. Yes! \m/ Kailangan lang naman pala: maghintay. Tapos laging be happy. Wag kaagad negative. Ang nega ko kasi eh, pero ok na. FROM NOW ON, kapag nangyari ulit 'to, yun lang yung iisipin kong rason. BE HAPPY! Think POSITIVEEEE! :)

Monday, April 12, 2010

Keep Holding On

Hello Blogger World. Yes, blog! ^^,

Kahapon, pumunta kami ulit sa Batangaaaaas! Haha! Unexpected nga eh. Plinano lang yung pagpunta sa Batangas-Saturday ng hapon. Saya-saya. Ayon, umalis kami ng maaga kahapon, nakarating sa BAtangas ng mga 12:30 nn. Tas naglagay na kami ng Sunblock. OHYEAH. Mga 1:30 pm, AYUN NA! Wakeboarding timeee! Sobrang saya kasi halos kami lang yung tao dun. Konti lang din yung pumunta kaya sulit na sulit yung pagpunta namin. Happy ako kasi goal ko nang maka-ikot sa buong course nila. YES! Goal met yesterday. Happy! :D

Ngayon? SABOG. Sakit ng katawan ko. Yung leeg ko, yung binti ko tsaka mga braso ko. Whew. Hahaha! Atleast happy ako. Tapos nakalimutan ko yung sadness nung nagwawakeboard ako kaya healthy para sakin.:) Babalik ulit kami ngayong April/May. YES! Can't wait. Goal ko naman, yung nakatayo na. Nakaikot na kasi ako ng naka-knee board kaya ngayooooooon, tayo naman. B-)

Dapat lagi talagang may ginagawa para hindi madepress. Goal: Find activities! Haha! YES. Share lang. Batangas, see you soooooon.\m/

-Goodnight! 'Til the next blog.:)

"I want you to know with everything, I won't let this go." :)

Friday, April 9, 2010

Eto nanaman.:(

Sobrang sakit. Eto nanaman kasi eh, parang naghihintay nanaman ako sa wala. Lagi nalang ganito yung pakiramdam. Andun na kasi yung opportunity tapos *tooogsh!* wala, hindi mo rin grinab, hindi mo inabot. Dun lang ako nasasaktan. Siguro naman alam mo na medyo hindi ako sanay na matagal tayong di nag-uusap. ANDUN NA KASI TALAGA. Tapos parang binalewala mo lang. Halos isang linggo na. Ewan ko pero syempre nahihirapan din ako. Masakit na kasi eh. Hindi ko 'to masabi sayo kasi baka mamaya maasar ka sakin kasi nagsasawa ka na..na lagi akong nalulungkot dahil sayo.

Sorry na. Kung mabasa mo man 'to, sorry na umuulit nanaman ako sa asar ko sayo kasi wala nanamang pansinan. Sorry na nagdadrama nanaman ako.

Kaso hindi ko maiwasan eh. Mahal kita. Ikaw yung pinaka-una..pero nasasaktan ako. Bakit ganun!? Hindi ko maiwasan yung feeling na 'to. Pinipigilan ko talaga! Kasi ayokong maramdaman yung ganito kasi alam mo, nasasaktan lang ako. Ayoko yung nagiging malungkot ako kasi madalas, masaya ako. Hindi ako yung tipo ng tao na nalulungkot na matagal. Natatakot lang ako kasi baka mamaya ngayong summer, bigla kang mag-give up. Dahil di tayo nagkikita ngayong summer, biglang *boooom!* wala na. Give up ka na.

Sana wag. Sana hindi mangyari yun. Parang ang hirap tanggapin. Sana alam mo na namimiss ko na rin yung mga usapan natin. Kung alam mo lang. Haaay.:(

Wednesday, April 7, 2010

Unexpected.

Nagkaroon ako ng UNEXPECTED ADVENTURE! Saya-saya. Grabe.:>

Okay kwento. Kasi ang natira nalang kaninang tanghali dito sa bahay..si Kuya Gelo, Michael at ako. Eh si Kuya Gelo aalis daw. Niyaya niya kaming sumama ni Michael para hindi kami loner sa bahay. Ayun.

Unang pinuntahan namin..sa Munisipyo! Ohyeahhhh! Hahaha! First time kong makarating dun kaya medyo naaliw pa ako. Pumunta kami sa may Affidavit of Loss. Maliit lang yung lugar, parang kwarto. TAPOS SOBRANG INIT pare. Nagpagawa si Kuya para sa nawala niyang card sa Gym. Mamaya-maya, nung ginagawa na yung papers niya..yung matanda doon na parang namamahala ata, biglang tinanggal yung typewriter sa table niya at nilagay sa cabinet..TAPOS naglatag bigla ng white cloth sa table niya. Mamaya-maya oh, nakita namin may babae tsaka lalaking nakaputi na parang lovers. YUN PALA KASAL NA OH.=)) Laughtrip! Kasi sobrang tahimik lang nung lugar tapos mainit pa. Bigla nalang may eksenang ganun.

"Will you take January to be your wife?"
Lalaki: Opo.:)

"Oh ikaw naman January, will you take John Paul to be your husband?"
Babae: Opo.:)

"Take this ring as a sign of my love and loyalty." Parehas nilang sinabi. Saya-saya.:))

Grabehan. Pati ba naman kami..nawitness namin yung ganung kasal na biglaan lang. Ang tahi-tahimik lang namin biglang ganon.XD

Gusto ko lang i-share. Kulit kasi eh.:))
Yeah! Goodnight! Nakapagblog na rin ulit. Blog ulit tomorrow! \m/

Friday, April 2, 2010

The Magical Blog of Love. (Part 4)

Grabe talaga kapag SOBRANG bored ang isang tao, kung ano-ano nalang ang naiisipang gawin. Noh? Ayun. Dahil namiss ko 'tong blog na 'to, binasa ko lahat ulit mula sa simula hanggang sa ngayon. Nakita ko yung Magical Blog of Love ULIT! Ito, nagdecide nanaman akong gumawa ng continuation tungkol sa Love.

PART 4. ♥
"The test of love is not while you're together. It's while you two are apart and despite the distance, the love is still there."

Ayun yun eh oh. Masusukat ang pagmamahalan kapag malayo kayo sa isa't isa pero kahit na ganun man yun, yung love, hindi pa rin nawawala at mawawala. Alam mo yun? Oo, totoong mahirap malayo sa mahal mo. Yung pakiramdam na sobrang sobrang sobrang sakit sa loob..lalo na yung ilang linggo o buwan na kayong hindi nag-uusap. Ang sakit sa puso. Parang winawasak, parang tinatadtad lang ng machine gun eh. Mahirap kasi kapag walang communication, walang usapan at hindi nagkikita.

Sa mga pangyayaring ganito, minsan sasabihin mo pa na gusto mo nang sumuko kasi nasasaktan ka na ng todo-todo. Dahil hindi mo na siya nakikita, susuko ka nalang agad. Ayun lang ba ang rason para sumuko ka kahit na mahal mo pa rin yung taong yun? WALANG SUSUKO.:)

Kaya ikaw, kahit alam mo na medyo mahirap na, lumaban ka pa rin. Kung mahal mo naman yung taong yun, handa kang mag-sakripisyo para sa kanya. Kahit na malayo ka, yung puso niyong dalawa magkasama pa rin. Mahirap kasi kapag susuko ka tapos yung mahal mo, tinitiis lahat ng sakit at patuloy pa ring lumalaban. Mahirap tanggapin kung sa ilang araw, linggo o buwan kayong hindi nagkikita, bigla ka nalang susuko? Sobrang sakit nun sa taong na nagmamahal parin sayo. Dahil lang hindi kayo nagkikita, iiwan mo na siya nang tuluyan kahit alam mo namang magkikita pa kayo ulit? Susuko ka nalang bigla kahit na mahal mo pa rin siya? Kung mahal mo, ipaglalaban mo. Diba?

Tatagan mo yung loob mo. Kung mahal mo, tiisin mo kasi sa dulo kapag parehas niyong na-overcome yan, kayo na talaga para sa isa't-isa.

TANGGAPIN MO, HARAPIN MO AT KAYANIN MO ang lahat para sa mahal mo at para sa inyong dalawa. ♥

Kamusta naman yun?

Alam mo kung ano yung nakaka-BV? Yung sobrang nakakairita?

YUNG BIHIS NA BIHIS KA NA SA PUPUNTAHAN NIYO TAPOS HINDI PALA MATUTULOY. :|

Grabehan! Kanina talaga oh, bihis na bihis na ako. May pupuntahan kasi dapat kami. After ilang minutes, sinabi bigla na hindi nalang daw itutuloy. Sobrang nakakaasar kaya yun! Yun yung tunay na kabadtripan. Galing. Pero syempre, wala naman akong magagawa eh. Oo nalang, pabayaan. Nakakaasar lang naman kasi. Importante pa naman yung lakad na yun. Hay. Dibale. Palipasin nalang.

Goodnight! Magboblog bukas.:)