Friday, April 9, 2010

Eto nanaman.:(

Sobrang sakit. Eto nanaman kasi eh, parang naghihintay nanaman ako sa wala. Lagi nalang ganito yung pakiramdam. Andun na kasi yung opportunity tapos *tooogsh!* wala, hindi mo rin grinab, hindi mo inabot. Dun lang ako nasasaktan. Siguro naman alam mo na medyo hindi ako sanay na matagal tayong di nag-uusap. ANDUN NA KASI TALAGA. Tapos parang binalewala mo lang. Halos isang linggo na. Ewan ko pero syempre nahihirapan din ako. Masakit na kasi eh. Hindi ko 'to masabi sayo kasi baka mamaya maasar ka sakin kasi nagsasawa ka na..na lagi akong nalulungkot dahil sayo.

Sorry na. Kung mabasa mo man 'to, sorry na umuulit nanaman ako sa asar ko sayo kasi wala nanamang pansinan. Sorry na nagdadrama nanaman ako.

Kaso hindi ko maiwasan eh. Mahal kita. Ikaw yung pinaka-una..pero nasasaktan ako. Bakit ganun!? Hindi ko maiwasan yung feeling na 'to. Pinipigilan ko talaga! Kasi ayokong maramdaman yung ganito kasi alam mo, nasasaktan lang ako. Ayoko yung nagiging malungkot ako kasi madalas, masaya ako. Hindi ako yung tipo ng tao na nalulungkot na matagal. Natatakot lang ako kasi baka mamaya ngayong summer, bigla kang mag-give up. Dahil di tayo nagkikita ngayong summer, biglang *boooom!* wala na. Give up ka na.

Sana wag. Sana hindi mangyari yun. Parang ang hirap tanggapin. Sana alam mo na namimiss ko na rin yung mga usapan natin. Kung alam mo lang. Haaay.:(

No comments: