Thursday, May 27, 2010

Bittersweet moment. :):

Sweet?
YEHEY! Super duper ultra mega happy reunion kami. As in sobra talaga. After 3 years, nagkita-kita na ulit kami lahat! Grade 6 reunion. Si Pinky and Stacey halos 7-8 years ko nang hindi nakikita. HAPPY HAPPY. Nakakalungkot lang na hindi lahat pumunta perooooo SOBRANG SAYA PA RIN! :)

Dumating si Stacey tapos si Pinky then si Cheska. Tapos dumating na ako kasunod si Cae. Sabi ni Kuya doon na magswimming na kami kaysa sa nakatulala lang. Kaya ayun, nagswimming na kami. Grabe! Bumalik lahat nung moments, kulitan, tsaka yung pagkekwentuhan ng memories nung Grade 6. Past is past, diba Angelo? :)) Hahaha! Ayun.

Uy. Irerecommend ko yung NabuaVille kung gusto niyo ng swimming. Maganda yung place. AS IN. Nainlove nga kami lahat doon eh. Sulit naman yung bayad kapag doon eh. TAPOOOOS, @12, nilakad namin from Nabua Ville to Outbox. (take note: ng basang-basa.) Hindi na kami nagpalit. Gutom na eh.=)) Ayun, take out tapos kain sa NabuaVille. Sana maulit ulit yung reunion noh? Sobrang happy. Thankyou sa time sa lahat ng pumunta. Yehes! :D YEHEYYY!

Bitter?
Alis na si Papa mamayang 12 in the midnight. Pupunta na siya ulit ng U.S. halos 6 months na siyang andito pero alam mo yun,,parang ilang weeks lang siyang andito. :( Mamimiss ko si Papa. Pero magkikita rin naman ulit sa December eh. Sana! :( :) See you soon Papa! :)

YES. BITTERSWEET. Pero life goes on. Kahit anong mangyari, be happy pa rin. Ok? :)

Wednesday, May 26, 2010

Reunion.

Hello hello. May reunion kami tomorrow morning. Ohyeah! Atleast, makikita ko na ulit yung classmates ko na hindi ko pa nakikita. Halos 3 years ko na rin silang 'di nagkikita. Wala kasi akong kabatch na nag-aral ng HS sa Seton. Ako lang. Kaya hindi maiwasang mamiss ko na sila ng todo-todo! :))

Sayang nga kasi hindi lahat pupunta eh. Busy yung iba tapos out of the country pa. Pero atleast naman may pupunta diba. Hahaha! Hindi pa ako nag-aayos ng gamit para bukas. UGGGH. Kailangan ko nang mag-ayos tapos kailangan ko nang matulog ngayon, baka hindi naman ako magising bukas. *gabby knocks on wood* HAHA.

Ayun. Goodnight. I miss meeeeee magical classmates before. See you tomorrow! :)

EXCITED. :-bd

Tuesday, May 25, 2010

Multiply!

Oooooh! Hello. At dahil sa super duper ultra mega to the highest level bored ako kanina..nag-decide ako na mag-update ng aking magical Multiply site. GRABE! Bulok na bulok na talaga yung Multiply ko. Ang tagal ko nang hindi nabuksan dahil sa FACEBOOK.@.@ Boom! Pero promise! Hindi ko na kakalimutang i-update 'to. Mahal ko na ang Multiply! :D

Gabbong's very happy today. Dahil kay boredom, may nagawa akong something productive. :-bd

6pm: We went to MOA and had a foot and back massage with Mama and meh..Michael: Sabi niya nakikiliti raw siya habang minamasahe siya.=))

8pm: We went to the "Prestige Lounge." Sobrang astig kasi the place is exclusively for Prestige Card holders onleeehhh! Buti nalang Prestige yung card ni Mama. AT HINDI PA DYAN NATATAPOS ANG MASSAGE..:> At dahil nakakita kami ni Michael ng dalawang massage chairs, >:) AYUN NA. Nagpamassage ulit kami. Happy happy.:))

9pm: Nagutom kami and ate @ Teriyaki Boy. Grabe, sobrang inlove na inlove ako sa Japanese food at dahil yan sa Sake Sashimi. Haha! Grabe, hinding-hindi ako nagsawa sa Japanese food. Can't wait 'til the next eating adventures at Teriyaki Boy! \:D/ :))

Ohyeaaah. Goodnight! Taekwondo training tomorrow.:)

Saturday, May 8, 2010

Biased.

Bago ako magsimula dito, sasabihin ko lang na opinion ko 'to. Humihingi ako ng paumanhin sa maaasar sa sinasabi ko tungkol kay Noynoy Aquino. Gusto ko lang naman ilabas yung sama ng loob ko dito sa blog ko.

Ok. Nung umuwi kami ng mga 10:00, nagmadali kaming buksan yung TV para makita yung updates tungkol sa botohan. Pagkakita ko, si Noynoy Aquino na ang leading. GALING. Ang sa akin lang, ano bang meron kay Noynoy at naisipan niyong i-shade yung bilog na katabi ng pangalan niya? Hindi ko lang talaga ma-gets eh. Kung nakita niyo yung news coverage ng ABS-CBN tungkol kay Noynoy, MADAYANG MADAYA EH. Masyado nilang pinagtatanggol yang lalaking yan. Napakadaya. Saksakan ng, ubod ng, hari ng daya. Pinakita pa nila yung simula sa umpisa hanggang sa last part ng voting process ni Noynoy. Masyadong pinapasikat eh. Habang bumoboto siya, makikita mo palang sa gestures ni Noynoy na hindi siya tunay na presidente. WALANG ka-etiquette-etiquette. Magpupunas ng pawis, walang manners. Magshashade nalang, tatawa-tawa pa mag-isa. Masmatino pa yung mga normal na tao kesa sa kanya eh.

Sumosobra na. Hay nako. Nakakaasar lang kasi masyado nang nabubulag yung tao sa pinaggagagawa niya. Ginagamit kasi ni Noynoy yung magulang niya. HINDI PORKET MAAYOS ANG MAGULANG NIYA, PATI SIYA..MAGALING NA. Dapat makita 'to ng tao. Wala nga siyang plataporma eh. Sira ang plataporma niya. Kung makita lang ng tao yun. Kaso nabulag na sila kasi nga, anak siya ng Aquino. Hala sige. Kung siya nga man ang magiging Presidente ng bansa natin..GOODLUCK nalang. Paano mamumuno ang isang taong baliw? Baliw siya, mismong si Archbishop na ang nagsabi. Kapag siya pa ang nanalo, gagamitin lang siya. Gagawin siyang puppet at magpapaloko lang siya. Kaya nga siya ang kinampihan ng mga kamag-anak niya kaysa kay Gibo Teodoro para mabilis lang siyang magamit. Hindi kasi nila magagawang gamitin si Gibo dahil sa talino niya. HINDI SIYA MAGPAPALOKO.

Buti nalang 50 percent palang ngayong gabi yung pinapakitang mga boto. Sana naman magbago at umayos yung ranking para gumanda bansa natin.

Paumanhin sa mga naiinis pero opinyon ko po ito at nilalabas ko lang yung saloobin ko at galit tungkol sa Elections.

GOOOOODNIGHT! Magboblog ako ulit tomorrow.