Ok. Nung umuwi kami ng mga 10:00, nagmadali kaming buksan yung TV para makita yung updates tungkol sa botohan. Pagkakita ko, si Noynoy Aquino na ang leading. GALING. Ang sa akin lang, ano bang meron kay Noynoy at naisipan niyong i-shade yung bilog na katabi ng pangalan niya? Hindi ko lang talaga ma-gets eh. Kung nakita niyo yung news coverage ng ABS-CBN tungkol kay Noynoy, MADAYANG MADAYA EH. Masyado nilang pinagtatanggol yang lalaking yan. Napakadaya. Saksakan ng, ubod ng, hari ng daya. Pinakita pa nila yung simula sa umpisa hanggang sa last part ng voting process ni Noynoy. Masyadong pinapasikat eh. Habang bumoboto siya, makikita mo palang sa gestures ni Noynoy na hindi siya tunay na presidente. WALANG ka-etiquette-etiquette. Magpupunas ng pawis, walang manners. Magshashade nalang, tatawa-tawa pa mag-isa. Masmatino pa yung mga normal na tao kesa sa kanya eh.
Sumosobra na. Hay nako. Nakakaasar lang kasi masyado nang nabubulag yung tao sa pinaggagagawa niya. Ginagamit kasi ni Noynoy yung magulang niya. HINDI PORKET MAAYOS ANG MAGULANG NIYA, PATI SIYA..MAGALING NA. Dapat makita 'to ng tao. Wala nga siyang plataporma eh. Sira ang plataporma niya. Kung makita lang ng tao yun. Kaso nabulag na sila kasi nga, anak siya ng Aquino. Hala sige. Kung siya nga man ang magiging Presidente ng bansa natin..GOODLUCK nalang. Paano mamumuno ang isang taong baliw? Baliw siya, mismong si Archbishop na ang nagsabi. Kapag siya pa ang nanalo, gagamitin lang siya. Gagawin siyang puppet at magpapaloko lang siya. Kaya nga siya ang kinampihan ng mga kamag-anak niya kaysa kay Gibo Teodoro para mabilis lang siyang magamit. Hindi kasi nila magagawang gamitin si Gibo dahil sa talino niya. HINDI SIYA MAGPAPALOKO.
Buti nalang 50 percent palang ngayong gabi yung pinapakitang mga boto. Sana naman magbago at umayos yung ranking para gumanda bansa natin.
Paumanhin sa mga naiinis pero opinyon ko po ito at nilalabas ko lang yung saloobin ko at galit tungkol sa Elections.
GOOOOODNIGHT! Magboblog ako ulit tomorrow.


No comments:
Post a Comment