Saturday, June 5, 2010

Lanao del Norte.:)

Kaninang hapon, sumama ako kay Mama, sa office niya. After nun, sinundo namin si Michael sa bahay para pumunta ng SM. Yehey! Kumain kami sa Tempura.:) Ang tagal ko na ring nagcacrave dun ha. =P~ Sarap kasi eh. Tapos ayun, umuwi na kami. Pagkauwi ko, dali-dali akong pumunta sa laptop at binuksan ang Twitter.

riocruz @gabbysantos13 HI CLASSMATE!

Nagulat talaga ako. HAHA! Kasi sabi ni Elia sakin, next week pa raw malalaman yung section niya kaya hindi na ako nagbother na tumawag pa sa school. Ayun grabe talaga! Tapos hinanap ko si Rio sa YM. YES! So inexplain niya. LDN ako. She went to school awhile ago and saw the updated sections.:) Yup, Lanao del Norte ako.

Happy naman ako. Promise. Hindi ko iniisip na baka may mangyaring masama, na baka maging hindi maganda yung section. Marami kasi akong napansin nung June 1 na medyo nahihirapan sa sections nila. Nagkawatak-watak na kasi yung magkakaibigan diba? Masyado na kasi tayong na-attach sa isa't isa nung 2nd year tayo. Eh hindi ko pa nafeel yun noon. Eh ito na yung section ko, nalaman ko na. Kailangan kong tanggapin para maging masaya.:)

Pagsubok lang satin 'to. Maaari ngang hindi na magkakasama yung magkakaibigan pero why not try diba? Lagi namang may pagsubok sa buhay eh. Isa lang 'to doon. Kaya kailangan nating tanggapin. BE HAPPY. Think Positive! Sa mga kabatch ko, ok lang yan. Everything will fall into place. Hindi pa naman nagsastart ang classes eh. Malay natin masaya diba? :)

YEAAAAAAAH. APIR! See you sa June 15.:D

No comments: