Minsan kasi sa buhay, oh sige, sabihin nating madalas, hindi talaga maiiwasan na magkaproblema sa mga bagay-bagay. Magtatanong ka kung bakit nagiging ganyan na buhay mo, tatanungin mo kung ano bang meron bakit pinagdadaanan mo pa 'to. Parang gusto mo sumabog na buhay mo kasi sobrang hirap ng pinagdadaanan mo. Diba? Oo, mahirap at masakit pero ayan ang CHALLENGE sa atin. Sinasabi nga nila na bago ka magtagumpay, kailangan mo munang bumagsak. Kailangan mo munang maranasan yung hirap bago ka maging masaya. Kailangan muna nating matuto. Pinadadanas muna satin yung hirap para sa huli, masosolve natin 'to tapos matututo tayo. AT magiging masmalakas tayo. STRONGER & BETTER. :)
Kahit na may problema ka ngayon, kahit nasasaktan ka na, hindi mo kailangang mag-give up. WALANG PATUTUNGUHAN ang pagsuko. Pagdaanan mo tapos lakasan mo loob mo. Before you know it, it's all over tapos happy ending na. :D
Lagi paring magsasmile kahit may problema. ALWAYS SMILE. Magiging maayos din ang lahat. Kung hindi man ngayon, hintayin lang. Minsan, may mga 'happy ending' tayong naiisip pero hindi nangyayari. Hindi lang natin alam na naghahappy ending na pala. Hindi lang natin pinapansin kasi may iba tayong gustong mangyari. :)
JUST SMILE. :)
2 comments:
YESS naman, Gabong! WOOT! =))
Hahaha!! WOOOOT =)))
Post a Comment